ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan ng Batanes nitong Miyerkoles ng gabi, 30 Oktubre, dahil sa patuloy na paglapit ng Super Typhoon Leon (international name: Kong-Rey) sa dulong bahagi ng hilagang Luzon.
Ayon sa PAGASA sa kanilang 11:00 PM typhoon bulletin, nararanasan ng Batanes ang matinding hagupit ng bagyong Leon.
Sa ilalim ng Signal No. 5, maasahang makararanas ng malalakas na hanging may bilis na lagpas ng 185 km/h, na malaking banta sa mga buhay at mga ari-arian.
Samantala, nananatiling nakataas ang Signal No. 4 sa natitirang bahagi ng Batanes.
Huling namataan 10:00 kagabi ang bagyong Leon 140 kilometro silangan ng Basco, Batanes, na gumagalaw patungong hilagang kanluran na may bilis na 15 km/h — mas mabagal nang kaunti sa nauna nitong bilis na 20 km/h.
Patuloy itong nagdadala ng hanging may bilis hanggang 185 km/h at bugso hanggang 230 km/h.
Nakataas ang Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
- Silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Calayan Is.,)
- Hilagang silangang bahagi ng mainland Cagayan (Sta. Ana)
Nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Natitirang bahagi ng Babuyan Islands
- Natitirang bahagi ng mainland Cagayan
- Hilagang bahagi ng Isabela (Sto. Tomas, Sta. Maria, Quezon, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Mallig, Maconacon, Gamu, Burgos, Roxas, San Mariano, Reina Mercedes, San Manuel, Naguilian, Benito Soliven)
- Apayao
- Hilagang bahagi ng Kalinga (Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
- Hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
- Ilocos Norte
Nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Natitirang bahagi ng Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Natitirang bahagi ng Abra
- Natitirang bahagi ng Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Ilocos Sur
- La Union
- Hilaga at gitnang bahagi ng Pangasinan (Basista, Lingayen, Villasis, City of Alaminos, Anda, Malasiqui, Tayug, San Fabian, Mangaldan, Mapandan, Burgos, Dagupan City, Binalonan, Bolinao, Alcala, San Manuel, Sual, Umingan, Asingan, Labrador, Bani, Sto. Tomas, Pozorrubio, San Quintin, Sta. Maria, Urdaneta, Laoac, Natividad, Mabini, San Carlos City, Manaoag, Binmaley, San Jacinto, Bugallon, Agno, Calasiao, San Nicolas, Sta. Barbara, Balungao, Sison, Rosales, Daso)
- Hilaga at silangang bahagi ng Nueva Ecija (Bongabon, Carranglan, Pantabangan, Laur, Rizal, Cuyapo, Talavera, Sto. Domingo, Llanera, Science City of Munoz, General Mamerto Natividad, San Jose City, Lupao, Talugtug, Gabaldon)
- Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis, Dilasag)
Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad na magkaroon ng daluyong o storm surge sa susunod na 48 oras na maaring lumagpas nang tatlong metro sa mga mababang lugar sa Batanes at Babuyan Islands. (HNT)