Friday , November 1 2024
Knife Blood

Ama patay sa saksak ng anak na ‘high’ sa bato

LULONG sa ‘bato’ ang sinabing dahilan kung bakit sinaksak ang ama ng kaniyang sariling anak na pinaniniwalaang ‘high’ sa ilegal na droga sa kanilang bahay sa Hacienda Bacsay, Brgy. Robles, bayan ng La Castellana, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Martes, 29 Oktubre.

Kinilala ni P/Maj. Rhojn Darell Nigos, hepe ng La Castellana MPS, ang biktimang si Rolando Mosquera, Sr., 53 anyos.

Sa imbestigayon, kararating ng biktima sa kanilang bahay mula sa pagtatanim ng puno ng saging nang saksakin siya ng kaniyang 21-anyos anak na lalaki.

Nakahingi ng saklolo ang biktima mula sa kaniyang mga kaanak at nadala sa pagamutan kung saan siya idineklarang wala nang buhay.

Samantala, nadakip ang suspek na nagtatago sa matalahib na bahagi ng lugar na kanilang tinitirahan.

Nakuha mula sa suspek ang isang kutsilyo, maliit na sachet na naglalaman ng hinihinang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P544, dalawang lighter, at isang berdeng kurtina na may mga mantsa ng dugo.

Ayon sa pulisya, inakala ng praning na suspek na ililibing siya nang buhay ng kaniyang amang nagtatanim ng mga puno ng saging.

Nabatid na kauuwi ng suspek mula sa Bicol kung saan siya ipinadala dahil sa adiksiyon sa ilegal na droga.

Dagdag ni P/Maj. Nigos mayroong hindi pagkakaintindihan ang suspek at ang kaniyang pamilya dahil sa inaasal ng una.

Nakatakdang sumailalim ang suspek sa drug test na nakatakdang sampahan ng kasong Parricide at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …