SA kauna-unahang pagkakataon, muling nakachikahan ng beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas ang 90s Pinoy pop-culture icon na si Jolina Magdangal sa latest episode ng Korina Interviews, bukas Linggo, October 27.
Mula ulo hanggang paa certified fashionista pa rin si Jolina, pero sa likod ng kanyang iconic na pustura, ang matinding hirap na kanyang dinanas bago sumikat sa showbiz.
Aminadong kapos sa pera si Jolina bago maging artista.
Anong Pinoy street food ang araw-araw niyang naging ulam bago siya naging artist? Alamin!
At ang inaabangan na revelation ng lahat —sasagutin na ni Jolina. Bakit hindi sila nagkatuluyan ni Marvin Agustin? Rejected ba ang beauty niya? Nakakaloka!
Siya nga ba ang nanligaw sa asawa niyang si Mark Escueta? OMG!
Nagpa-sampal nga ba si Jolina once upon a time at na-enjoy niya? True ba ito or false?
At for the first time, ilalahad ni Jolina ang kanyang insecurity. Ano kaya ito? Hmmm!
Lahat ng ito mapapanood lang sa Korina Interviews, this Sunday, 6:00 p.m., on Net25.