Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor

Pagmamaktol, pamimintas ng Noranians lumalatay kay Nora

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

‘YUNG mga nagmamaktol na supporters ni Nora Aunor, manong magtigil na nga po kayo sa kaku-complain at kakagamit ng socmed para mam-bash at mamintas sa naturang 10 official entries.

Ang ending kasi, sa idol ninyong si Ate Guy lumalatay ang mga pamimintas at tila lalo na kayong nagiging “delulu” porke’t hindi na naman nakapasa sa standard ng Metro Manila Film Festival (MMFF)selection committee ang sinasabi ninyong entry ng inyong idol.

Siya tuloy itong tumatanggap ng ‘bad karma’ nang dahil sa mga panlalait at paggamit ninyo ng social media para pintasan, akusahan  at tawagin kung ano-ano ang ibang mga artista, lalo na si Vilma Santos na obvious namang kinaiinggitan ninyo ang lahat ng achievements nito sa buhay.

Ipagdasal na lang ninyo si Ate Guy. At higit sa lahat, uulitin namin, suportahan na lang ninyo ang mga proyekto nito para may mga producer, direktor, at mga artista pa ring gusto siyang makatrabaho noh.

Panay ang puri ninyo na siya ang the greatest, the best sa mga international festivals sa five continents, NA, etc, etc, pero nang dahil sa pagiging toxic ninyo, nawawalan ng saysay ang mga iyan. Ang hilig ninyong mamintas, kulang naman kayo sa suporta at matino at disenteng mga gawa?

Ayan tuloy kay ate Guy lumalatay ang lahat.

Poor ate Guy!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …