Monday , December 23 2024
Gun Dropped Fired

Sa Laguna  
KELOT SA INUMAN SAPOL SA YAGBOLS NG SARILING BARIL, TODAS 

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaking Sinabing nabaril ang sarili habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Purok 3, Brgy. Parian, sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna, nitong Linggo ng madaling araw, 20 Oktubre.

Sa imbestigasyon, kinuha ng biktimang kinilalang si Reggie Galang, ang kaniyang baril mula sa kaniyang bag ngunit nahulog sa sahig pagkaupo niya sa plastik na silya.

Pumutok ang baril at tinamaan sa ari ang biktima.

Dinala si Galang ng kaniyang mga kaibigang kinilalang sina John Arvin Mendoza, Jimuel Amolo, Claizear Marquez, at Freddie Ilagan sa pagamutan kung saan siya idineklarang wala nang buhay.

Ayon sa pulisya, sasailalim ang katawan ng biktima sa awtopsiya upang matukoy ang tunay na dahilan ng kaniyang kamatayan.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …