Saturday , December 21 2024
SIKAT IIEE-Bayanihan Chess pangungunahan nina Mapa, Quizon at Bernardino

Road to Pakil  
8th SIKAT IIEE-Bayanihan Chess pangungunahan nina Mapa, Quizon at Bernardino

NAKATAKDA ang 8th Speed-Chess IIEE-Bayanihan Knockout Armageddon Tournament (SIKAT) sa Pakil, Laguna sa 9 Nobyembre 2024.

Ang kaganapang ito ay ginawang posible ng 2020 IIEE National President Rod Pecolera, na nag-ugat sa kanyang pamilya mula sa nasabing bayan, at nilalayon niyang ibahagi ang kanyang kadalubhasaan at mga serbisyo sa engineering.

“Playing chess is the right one direction for all the youngster and all commoners in the community of Pakil,” sabi ni Engr. Pecolera.

Ang nakalipas na SIKAT edition champions ay kinabibilangan nina FM Noel Dela Cruz, FM Christian Gian Karlo Arca, NM Marlon Bernardino, Kevin Arquero, at Sherwin Tiu. 

Ang SIKAT champions (in winner bracket) kasama ang Runner Ups (in loser bracket) ay muling magtutuos sa Armageddon Battle of Champions (ABC) sa Philippine Sports Expo na gaganapin sa SMX MOA sa 28-30 Nobyembre sa 49th IIEE National Convention.

Masisilayan sa 20-board simultaneous chess sa Pakil, Laguna sina new GM Daniel Quizon at isa pang simultaneous sets ni recent Laos Champion US National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr.

Magpapakitang gilas din si Actor Jao Mapa sa play one-on-one versus President Rodrigo Pecolera.

Sa 2nd conference ng Season 4 ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), panalo ang  IIEE-PSME Quezon City Simba’s Tribe sa Arriba Iriga 12-9. 

Ang Simba’s Tribe ay nirendahan nina NM Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr., NM Nicomedes Alisangco, Jellie Ann Magro, Danilo Ponay, Norman Madriaga, at ang magkapatid na kambal na sina Francis at Freddie Talaboc.

Sa IIEE National Chess Olympiad Season 6, ang IIEE Metro Central ay ginabayan ni NM Bernardino tungo sa 3rd wins versus IIEE Metro South, 33-21 para nasa unahan ng puwesto sa 20-team chess tournament. 

Panalo ang GEP sa Metro East (47-35) sa Group D.  Sa Group A ay umungos ang  IIEE Western Visayas sa IIEE Eastern Central Visayas (33-31) at pinasuko ng IIEE Mindanao ang PSME (66-46).  Sa group B, namayani ang IIEE Singapore sa IIEE UAE (47-25) at angat ang  IIEE Saudi sa IECEP (33-25).  Sa group C, bida ang IIEE Northern Luzon sa last seconds win versus IIEE Southern Laguna (14-12), at PICE panalo sa IIEE Bicol (30-14). (MB)

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …