PINALAWAK ng Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) SEDA Pilipinas ang saklaw ng Philippine Silk Roadmap, na ngayon ay bahagi ang Southern Luzon ng isang bagong commercial-scale silk cocoon production project sa Pangil, Laguna.
Sa pakikipagtulungan sa DOST-CALABARZON at Hills and Berries, ginanap kamakalawa ng umaga ang groundbreaking ceremony, 12 Oktubre 2024.
Ang 10-ektaryang mulberry field ng Hills and Berries, sa gitna ng kabundukan ng Sierra Madre, ay gagamitin ang mga dahon mula sa mga punong naani na ang mga prutas, para sa pagpapakain sa mga uod, at ang mga silk cocoon ay makukuha sa loob ng 25 araw, para sa conversion sa hibla ng seda.
Ang proyekto ay inaasahang makagagawa ng hindi bababa sa 100 kgs ng sariwang cocoon bawat buwan at makokompleto ang maximum na 60 silkworm-rearing cycles sa isang taon, ang pinakamalaking cocoon production partner ng proyekto sa ngayon ay inaasahang makakamit ang 1.2 tonelada ng fresh cocoon output taon-taon.
Inaasahang magbabalik ito sa 120 kgs raw silk generation sa processing line katuwang ang Laguna State Polytechnic University.
Naniniwala si dating Pangil, Laguna mayor, Juanita “Ninay” Manzana, ang project cooperator at may-ari ng Hills and Berries na ang pakikipag-ugnayan ay matipid na gagamitin ang mga dahon ng mulberry, na itinuturing na mga basura mula sa kasalukuyang pagsusumikap ng negosyo sa pagpoproseso ng prutas ng kompanya.
Sinimulan ang groundbreaking ceremony ng tripartite collaboration sa pagitan ng mga ahensiya ng gobyerno at pribadong negosyo kalahok sina DOST-PTRI Director, Dr. Julius L. Leaño; DOST-CALABARZON Regional Director Emelita E. Bagsit; at Hills and Berries President Juanita Manzana.