Wednesday , July 30 2025

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang hamon para sa bagong pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na linisin ang hanay nito sa paraang hindi pa nagawa dati, mistulang dumating na ang pagsubok sa integridad ni Brig. Gen. Nicolas Torre.

Hindi biro ang pagkakatalaga kay Torre sa CIDG. Kaakibat nito ang pinakamataas na expectations na sinabi rin mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil. Inatasan niya si Torre na patinuin ang unit at linisin ang duming matagal nang nakakulapol sa uniporme ng pulisya.

               Para sa lahat ng may talento at dakilang kalalakihan at kababaihan na ang husay sa paglaban sa kriminalidad ay nagbigay sa CIDG ng reputasyon bilang isang espesyal na puwersang pinangingilagan, nakalulungkot na ang unit na ito ay nadawit na rin sa sarili nitong mga eskandalo at ilegal na aktibidad.

Ang listahan ng mga kahiya-hiyang insidenteng iniuugnay dito ay sobrang nakagugulat, kaya naman hindi kami masisising mga taga-media sa pambabatikos sa mga ginagawa nilang pagkakamali. Kaugnay nito, hinahamon ng Firing Line si Torre na isakatuparan ang inaasahan ni Marbil sa kanya pagdating sa CIDG.

               Pero ilang araw lang ang nakalipas mula nang isapubliko ang misyon niyang linisin ang hanay ng CIDG, mabilis na umugong ang mga usap-usapan tungkol sa korupsiyon. Ayon sa tip ng aking mga spies, isang ‘Michael C.’ daw ang bagong naghahari-harian sa mga pasugalan, girlie bars, at strip joints sa Metro Manila.

               Sino itong si Michael C., Gen. Torre?

               Tikom ang bibig ng mga club managers pero may mga ebidensiya na ang bagong kingpin na ito raw ang nangangasiwa sa mga tiwaling underground operations para sa PNP sa tulong ng mga tinyente nito: si “Jepoy M.” sa mga lugar na hawak ng Eastern Police District; si “Cesar Pilosopo” sa Quezon City; at isang alyas “Paul” naman ang nakatoka sa Manila at Southern Police Districts.

Sa ngayon, hindi ko matukoy ang koneksiyon ng mga taong ito sa PNP, maliban lang sa ang mga pangalan nila ay may kakambal na kulog at kidlat, gaya ng kung paanong parang bagyong pinamunuan ni Gen. Torre ang CIDG.

Kung totoong wala kang anomang kaugnayan sa imburnal ng mga korupsiyong ito, Gen. Torre, iminumungkahi kong pangalanan at ilantad mo ang mga taong ito. Hindi na kailangan ng publiko ang mga retorika ng mga pahayag o pagsasabi ng mga repormang hanggang papel lang naman.

Hanap ng mga tao ang may mapanagot sa nagawang pagkakasala, simulan na sa mga tinaguriang ‘bagmen’ na kumukubra ng “tong” mula sa mga nightspots at illegal gambling joints na protektado ng mga local police districts. Kung hindi mo sila kilala, ito na ang panahon para kilalanin sila. At kung kakilala mo naman sila, ito na ang panahon para kumilos.

*         *         *

 SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Hoy Bato, hindi mo ka-level si Digong!

SIPATni Mat Vicencio KAHIT saan anggulo tingnan at pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, hindi maaaring ikompara …

Firing Line Robert Roque

Katawa-tawang boksing nitong Linggo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DAHIL mistulang naging kalokohan lang ang boxing match nitong …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …