HATAWAN
ni Ed de Leon
LUMALABAS namang mukhang kawawa ang nanay ni Daniel Padilla, iyong dating boyfriend ng nanay niya na may bago na ngayong girlfriend ibinabandera pa sa social media at ipinakikitang sweet na sweet. Siguro may karapatan namang magmalaki ang boyfriend dahil ang syota niya ngayon ay higit na bata at mas sexy kaysa kay Karla Estrada at mukhang nagda-dalaga pa lang. Pero dahil sa mga bagay na iyon, nagmumukha namang cougar si Karla.
Noong araw sinasabing ang bata-bata ni Karla kaysa kanyang mga syota, kabilang na ang isang dating congressman na tatay ng isa niyang anak. Ngayon nabaliktad na, siya naman ang sinasabihan ng cougar.
Unfair naman kay Karla iyon sana naman naging discreet lang ang dati niyang boyfriend pero ano nga ba ang magagawa niya eh split na sila.
Kaya dapat siguro ngayon mag-iingat na sa mga nanliligaw sa kanya, dahil ano man ang sabihin ng mga tao tungkol sa kanya ay apektado ang mga anak niya.
At saka sana huwag na siyang kukuha ng syotang mas bata kaysa kanya.