Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor Janine Gutierrez

Janine nagulat Nora nag-Venice rin 6 yrs ago

RATED R
ni Rommel Gonzales

PAREHONG may konek sa Venice International Film Festival sina Janine Gutierrez at lola niya, ang Superstar na si Ms. Nora Aunor.

Kuwento ni Janine, “When I was there na may nakilala ako na Pinoy na taga-Venice na may picture siya with Mama Guy noong nag-Venice pala siya years ago.

”Hindi ko alam actually na nag-Venice si Mama Guy.

“So iyon dream ko talaga siya. Ang ganda lang ng feeling na ‘yung audience ng ibang mga bansa pinapanood ‘yung mga pelikula natin, nakikinig sila ng Filipino, ng Tagalog.

“Iyon talaga ‘yung gusto ko.”

Dumalo sa 69th International Film Festival noong September 2012 si Nora na nanalo ng mga award ang pelikula niyang Thy Womb ni Brillante Mendoza.

Twelve years later, si Janine naman ang dumalo sa prestigious filmfest na exhibition film ang movie niyang Phantosmia ni Lav Diaz

Lahad pa ni Janine, “Happy talaga ako na makapunta sa Venice Film Festival. 

“Kasi when I was there everyday nakikita ko sa Instagram kung sino ‘yung mga nagsisidatingan, like si Angelina Jolie, si Brad Pitt, ‘yung kasunod namin sa red carpet, si Julianne Moore.

“So parang, ‘Wow!’

Just to be in the same place as them.”

Gumanap na ina ni Janine sa pelikula ang aktres na si Hazel Orencio na naging daan para  maging artista ni Lav si Janine.

Actually I owe it also to Dreamscape. Kasi sa ‘Dirty Linen’ si ate Hazel Orencio who is direk Lav’s longtime producer, assistant director and actress, kasama ko siya na, kami ‘yung mga kasambahay sa bahay ng mga Fiero.”

Sa 2023 drama series ng ABS-CBN na Dirty Linen ay nagbida si Janine kasama ang mga gumanap na Fiero family na sina Zanjoe Marudo, Francine Diaz, John Arcilla, Janice de Belen, Angel Aquino, at Tessie Tomas.   

Pagpapatuloy pang kuwento ni Janine, “So I kept telling her [Hazel] noong ‘Dirty Linen’ na, ‘Ate, can I do anything for you kapag mayroon kayong gagawin ulit ni direk Lav?’

“Super niligawan ko talaga siya na, ‘Kahit ano gagawin ko, I wanna work with you guys!’

“So I’m just grateful that she remembered.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …