REALITY BITES
ni Dominic Rea
BONGGA ang 316 Media Network ni Len Carillo huh! Currently ay nasa New Zealand pa si Len para sa shooting ng isang pang-Netflix movie nitong pinagbibidahan nina Paolo Contis at Kelly Day na idinirehe ni Louie Ignacio.
Sa nabasa naming script, beautiful ang tatakbuhing story nito at sigurado kaming papatok dahil isang kontrobersiyal at mahusay na aktor ang bibida noh.
Walang kuwestiyon sa husay ni Paolo pagdating sa aktingan na naging unanimous choice naman talaga para sa naturang film na hindi pa rin namin alam kahit ang working title nito! Bongga!