Thursday , December 26 2024
SV Sam Verzosa dialysis center Sampaloc

SV ilalaan P200-M sa dialysis center sa Sampaloc, Tondo, Ermita, Malate 

NAKALULULA na ang halagang P20-M, pero mas nakakawala ng ulirat ang halagang P200-M.

Iyan ang halaga ng mga kotse, sampu lahat, na ipina-auction ng negosyanteng si Sam Verzosa sa ginanap na charity event.

At ang mas nakaloloka, ang kabuuang P200 -M ay gagamitin ni Sam para makatulong sa mga maysakit sa Maynila.

Ipagpapatayo ng dialysis centers ang salaping nabanggit.

Lahad ni Sam, “This is for the building of Sampaloc Dialysis and Diagnostics Center.

“Iyon nga, ‘yung tatay ko before he died, nag-dialysis din talaga siya.

“Ito po dagdag lang. Mayroon na tayong mga SV mobile complete with laboratory equipments, X-Ray, ECG, ultrasound.

“Mayroon tayong SV mobile botica na umiikot everyday para magbigay ng gamot sa mga kababayan natin.

“Ito po ay dagdag lang para matayuan natin ng dialysis center ang iba’t ibang mga lugar sa Maynila, unang-una ang Sampaloc, kung saan ako lumaki, para sa libreng pagpapagamot ng mga kababayan ko sa Maynila.”

Tulad ng alam na ng publiko, tatakbong alkalde ng lungsod ng Maynila si Sam sa eleksiyon sa Mayo next year.

Pero hindi pa man ginaganap ang eleksiyon, todo na sa pagtulong si Sam sa kanyang mga ka-lungsod.

Itong mga ganitong tao ang dapat na iniluluklok sa puwesto para mas marami pang mapaglingkuran, lalo pa nga at isa sa mga suliranan ng mga Filipinong walang pera ang pagpapagamot at pagpapa-ospital.

Kaya naman magpapatayo si Sam ng dialysis center sa Tondo, Ermita, Malate at maraming iba pa.

Uunahin muna niya ang Sampaloc dahil, 

“’Yun ang tahanan ko, eh. Doon ako lumaki, roon ang lugar kung saan ako ipinanganak, kung saan ako namulat, nangarap, at umasenso.

“Kaya gusto kong ibalik sa mga kababayan ko ang lahat ng ibinigay sa akin ng Diyos,” pagbabahagi pa ni Sam na Tutok To Win Partylist representative rin at host ng Dear SV ng GMA at isa rin sa pinuno ng Frontrow International.

Si Sam rin ang presidente ng Modena Motorsports Inc., na distributor ng Maserati cars dito sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya.

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …