Thursday , January 9 2025
Rosanna Roces

Osang mga kaibigan naglaho nang mawalan ng pera

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKATATAWA iyong isang quote kay Rosanna Roces na nagsasabi siyang mahalaga ang pera.

Sabi pa niya, “kung wala kang pera akala mo ba iyong mga kaibigan mo noong mapera ka pa, dadamayan ka? Iyang mga iyan ang unang mawawala kung wala ka ng pera.

Noong araw, ang lakas kong kumita ng pera, akala ko wala nang katapusan eh parang kahit na hindi na ako kumilos hindi na mauubos ang pera ko. Kabi-kabila ang gastos ko, ang dami kong kaibigan eh, noong mawala na ang pera ko at naranasan ko iyan, wala nang nakaalala sa akin. 

“Kaya sabi ko nga ang mahalaga lang pala talaga ay pera, at kung may pera ka dapat matuto ka kung paano hawakan iyon dahil kung hindi at kung dumating ang araw na naubos na ang pera mo, walang kawawa kundi ikaw din. Iyong mga kaibigan mo makakahanap ng mga bagong tao na may pera, eh ikaw saan ka pupulutin?

“Kaya ngayon natuto na ako. Kung maliit man ang perang hawak ko, iniingatan ko pa ring lalo dahil basta iyang pera mong kakaunti na nga eh nawala pa kawawa ka na talaga,” sabi niya.

Totoo iyong sinabi niyang iyan. Sa isang pag-aaral na isinagawa, sinasabing ang mas maraming dahilan ng suicide ay kawalan ng pera. Nabanggit pa nga sa nabasa naming study ng mga artistang Koreano na napakaraming nagsu-suicide. Karamihan sa kanila iyong lasing, o kaya ay gumamit ng droga tapos magti-trip mauuwi sa suicide. Kung pag-aaralang mabuti, sila iyong mga taong masuwerteng nakahawak ng malaking pera at nag-enjoy sa buhay. Nang mawala na iyon, nagkakaroon sila ng depression na parang lumipas lamang ang araw at mga oras. Idinadaan nila sa paglalasing o paggamit ng droga.  Sinasabing basta ang isang tao ay intoxicated, o nasa ilalim ng tama ng alcohol o droga, mas lumalakas  ang loob nila na kadalasan nauuwi sa suicide. Iyong taong hindi intoxicated, mas matagal mag-iisip tungkol sa suicide. Pero iyong mga taong intoxicated, sinasabi nga nila na basta naisip ang suicide malamang na hindi matutuluyan, at ang karaniwang dahilan ay kawalan ng pera.

Naiisip kasi niya na magiging mas mahirap ang buhay niya sa kinabukasan dahil wala na siyang pera. Kaya wala nang saysay na pahabain pa ang kanyang buhay, at iyan ang isang bagay na kailangan nating pag-ingatan. Hindi namin sinasabing kung walang pera ay bigyan ninyo. Ang sinasabi namin ang isang taong sumasailalim sa depression sa kung ano mang dahilan, mas dapat na bantayan at damayan para hindi makaisip na gumawa ng mas malaking problema. Nawalan ka man ng pera maaari namang magkaroon kang muli ng pagkakataon na may pagkakitaan. Eh kung tinapos mo na ang sarili mo, mas wala kang katutunguhan.

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 50

MMFF 2024 bigong malampasan kita ng 2023

MA at PAni Rommel Placente BALITA namin, kompara noong nakaraang taon ay mababa ang kinita …

John Estrada Barbie Imperial

John umalma pag-uugnay kay Barbie 

MA at PAni Rommel Placente PUMALAG at hindi nagustuhan ni John Estrada ang kumakalat na isyu sa social …

Skye Gonzaga

Skye Gonzaga, masayang pagsabayin pagiging sexy actress at DJ

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Skye Gonzaga sa mga sexy actress na masarap …

Jak Roberto Barbie Forteza David Licauco

BarDa mas may future bilang reel/real tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus USAPANG break-up nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isa sa 2025 pasabog sa showbiz. …

Gina Alajar Mon Confiado Shamaine Buencamino

Gina, Mon, Shamaine damay sa bashing ng netizens kay Darryl

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AGAD din namang may kumuwestiyon sa batikang aktres/direktor na si Gina Alajar na gumaganap daw …