Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlene Aguilar Jennylyn Mercado Calix

Jennylyn, Carlene kapuri-puring mga ina

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAS nakatutuwa ang mga balita ng mga taong nagkakasundo. Noong isang araw ang dating beauty queen na si Carlene Aguilar ay nagpaabot ng kanyang pasasalamat kay “Mommy Jen,” na ang tinutukoy ay si Jennylyn Mercado “for treating and loving Calix as your own.”

Si carlene ang unang naka-live in ng aktor na si Dennis Trillo at sa kanilang pagsasama ay nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Calix. Matagal na panahong si Calix ay nasa pangangalaga ng kanyang ina, at noon ay maraming controversies na ni hindi raw halos maibigay ni Dennis ang pangangailangan ng kanilang anak, lalo na noong maghiwalay na sila.

Matapos ang ilang panahon, na-in love ulit si Dennis kay Jennylyn. Sila ay nagsama hanggang sa magpakasal na nga. Pareho lang sila ng sitwasyon, si Jen ay nabuntis din ng una niyang boyfriend, si Patrick Garcia, hindi rin siya pinakasalan. Nang nagpakasal na sila ni Dennis, napag-usaan na mas mabuti kung kukunin nila si Calix. Pumayag naman si Carlene pero siyempre naroroon iyong reservations na baka hindi tratuhin nang tama ni Jen na hindi naman niya tunay na anak. Pero sa pagdaraan ng panahon, napatunayan ni Jen na naging tunay siyang ina kay Calix, sa kanyang anak na si Alex Jazz at sa bago nilang nilang anak ni Dennis. Lumalabas pa ngang ang pagtitinginan nina Calix at Alex Jazz ay parang tunay na magkapatid kahit na wala sila talagang blood relationship. Alam naman ni Carlene na nangyari iyon dahil minahal ding tunay ni Jen si Calix kahit na hindi niya tunay na anak. At iyon ang kanyang ipinagpapasalamat.

Siguro naman nangyari iyan dahil sa karanasan na rin ni Jen. Lumaki siya sa piling ng mga adoptive parents na minahal siya kahit na hindi naman siya tunay na anak. Inampon siya ng kanyang mga adoptive parents dahil si Jen ay nakaranas ng pagmamalupit  sa tunay niyang pamilya noong maliit pa siya. Kaya naman siguro para sa kanya, kailangang mahalin ang isang bata kaya iyon ang dahilan kung bakit mahal din naman siya ni Calix kahit alam niyong bata na hindi naman siya ang tunay niyang ina. 

At ang bagay na iyan ay isang nakatutuwa at nakapagbibigay ng inspirasyon sa maraming adoptive parents at mga adopted children din naman.  

Pinupuri namin  si Jennylyn dahil sa kanyang magandang pagpapalaki sa mga anak nila ni Dennis, at pinupuri rin naman namin si Carlene na hindi itinago ang pagtanaw ng utang na loob sa asawa ni

Dennis sa pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …