I-FLEX
ni Jun Nardo
PAPASUKIN ng beauty queen-businesswoman ang politics bilang Party List nominee.
Sa isang lunch sa bonggang hotel sa Makati, sinabi niyang siya ang kasalukuyang second nominee para sa Agimat Party List.
Para sa kaalaman ng lahat, ang former senator-actor ang founder ng Agimat Party List noong 2011.
Pahayag ni Samantha, focus ang party list sa farmers, fisherfolks, at single mothers.
“And so, what I’m bringing to the table is going to be more on women empowerment, the LGBTQ+ community, of course, coming from pageantry, a lot of people surround myself with are within the community.
“So that’s something I want to help.”
Tita ni Samantha ang beauty queen na si Myrna Panlilio.
Wala ba siyang balak pasukin ang showbiz at kung yes, sino ang gusto niyang makapareha?
“Wait lang muna kung movie o series,” sey niya at ang gusto niyang makasama ay si Piolo Pascual.