Sunday , December 22 2024
James Infiesto Eugene Torre Alan R Dujali
PARA sa posterity, magkakasamang nagpakuha ng larawan sina International Arbiter James Infiesto, Asia’s 1st Grandmaster Eugene Torre, at Cong. Alan R. Dujali (Larawan mula kay National Arbiter Darwin Bermudez)

GM Torre mangunguna sa pagbubukas ng 4th Cong. Alan R. Dujali Nat’l Chess Open

Panabo City, Davao del Norte — Ang unang Grandmaster ng Asia na si Eugene Torre, ang magiging panauhing pandangal sa pagbubukas ng 4th Cong. Alan R. Dujali Nat’l Chess Open Rapid Chess Tournament sa Payag Grill & Folk House, Ma. Claria Resorts compound, Panabo City ngayong Sabado, 28 Setyembre 2024.

Ang dalawang-araw na event (Sabado at Linggo) na nag-aalok ng kabuuang P700,000 premyong cash ay nagtatampok ng team, individual open, youth (18, 16, 14 at 10 years old and below) divisions.

Ang mga nagparehistro ng kanilang mga koponan ay sina GM Darwin Laylo; National Masters Henry Roger Lopez, Glennen Artuz, Keith Adriane Ilar, at Giovanni Mejia.

Kabilang sa mga entry sa youth division sina Beatrice Aton, Aaron Aton, Jerome Pullos, Jared Roann Marayag, at Lorraine Faye Segarra.

Binigyang-diin ni International Arbiter James Infiesto, ang tournament Chief Arbiter, ang pangangailangang isulong ang chess lalo sa hanay ng mga kabataan ay makatutulong habang pinadadali ang pagpapaunlad ng kakayahan at kompiyansa ng mga manlalaro.

“Bahagi ng pagbibigay ng suporta sa ating mga atleta ay ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makita ang mga taong nagbibigay inspirasyon sa kanila,” sabi ni Infiesto na ang mga kalahok ay may pagkakataong makadaupang palad si Torre.

Si Torre ang una sa Asia na nakakuha ng titulong GM noong 1974.

Naglaro siya para sa Philippine Olympiad team ng 23 beses, nanalo ng tatlong indibiduwal na medalya sa board one: silver sa Nice (1974) at bronze medals sa Malta (1980) at Dubai (1986).

Noong 2021, napabilang si Torre sa World Chess Hall of Fame.

Sa isang torneo sa Maynila noong 1976, si Torre lang noon ang nakatalo sa dating naghaharing World Champion na si Anatoly Karpov sa isang laro na naging bahagi ng kasaysayan ng chess ng Filipino.

Noong 1982 nakakuha siya ng puwesto sa World Chess Championship candidates matches, kung kailan natalo siya kay Zoltán Ribli. Nagsilbi siya bilang pangalawa ni Bobby Fischer noong 1992 laban kay Boris Spassky sa Yugoslavia.

Kasalukuyan siyang naglalaro para sa Rizal Towers ng Professional Chess Association of the Philippines.

Ang kompetisyon ay bahagi ng grass roots chess development program ng lungsod at inorganisa ni Tournament director National Arbiter Darwin Bermudez sa pakikipagtulungan ni Cong. Alan R. Dujali. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …