REALITY BITES
ni Dominic Rea
BALITANG tuloy na raw ang pagtakbo ni Karla Estrada next year. May nakapagsabing maaring ituloy niya ang pagtakbo bilang 2nd nominee sa isang partylist na konektado siya ngayon.
May nagsabi rin na ikinokonsidera nitong tumakbong konsehal ng Quezon City.
May purpose ang pagiging aktibo niya lalo na sa pagtulong ng kanilang partylist. Ambisyon daw kasi nitong ituloy-tuloy ang pagiging public servant.
Paalala lang Karla na sana kahit wala sa posisyon ay tumulong pa rin at mas marami
pang maabot ang kanyang pagtulong.