ni Allan Sancon
NAKATUTUWANG isipin na may isang katulad ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) ang nagbibigay ng kaalaman at impormasyon patungkol sa mahahalagang bagay na nagaganap sa ating bansa. Katulad na lamang ng nangyayari sa West Philippine Sea. Maraming curious at tanong sa ating sarili kung ano nga ba ang nangyayari sa West Philippine Sea.
Sasagutin ‘yan ng TV series na gagawin ng KSMBPI Film Division, sa kanilang WPS na pagbibidahan nina Ayana Misola, Ali Forbes, Daiana Meneses, Lala Vinzon, Lance Raymundo, Rani Raymundo, Jeric Raval at marami pang iba.
Ang Advocacy TV series na ito ay may genre na fiction, drama, action, at romance. Nakae-excite na mapanood ang series na ito dahil sa maaksiyon at madramang mga eksena samahan mo pa ng romance na talaga namang kakikiligan ng mga manonood.
Ang WPS ay isang advocacy TV series patungkol sa pag-asa at katatagan. Tatalakayin din ang importansiya ng pagmamahal at kahalagahan ng pagkakaisa. Ipakikita rin sa pelikula ang true spirit ng nationalism at patriotism para sa tunay na pagmamahal sa ating mga kababayan at bansa.
Bahagi ang Vivamax artist and sexy star na si Ayana at natanong siya kung simula ba ito ng tuloy-tuloy niyang paggawa ng mga wholesome project at hindi na babalik sa pagpapa-seksi?
“Hindi naman po, magpapa-seksi pa rin po ako pero hindi na ‘yung nude. Kasi ayaw ko na uli makasuhan ng KSMBPI. Maybe ito lang ang way para tumawid ako ng mainstream project at hindi lang puro pagpapa-seksi. At saka this is an advocacy film kaya masayang maging bahagi ako ng ‘WPS’ series,” pagbabahagi ni Ayana.