Sunday , December 22 2024
Arjo Atayde

Arjo nanghinayang, nalungkot sa ‘di pagkakasama sa Incognito

MA at PA
ni Rommel Placente

SA Thanksgiving/Christmas party ng actor-politician na si Arjo Atayde para sa entertainment press, nagbigay siya ng pahayag kung bakit hindi na siya natuloy na mapasama bilang isa sa mga bida ng bagong serye ng ABS-CBN na Incognito

I feel really bad to be not part of the show for anything, but again, like what I said po, hindi ko na pahahabain ang aking explanation. 

“It was with a heavy heart that I had to decline, as I clearly have other priorities at the moment. 

“And although I really want to be 100 percent committed, if I’m not 100 percent, then it would also be unfair to my co-actors. And I’ve always worked a hundred percent for this,” sabi ni Arjo.

Patuloy pa niya, “So if given the opportunity, of course I wanted to give it my all. But for now, I have to focus on this.”

Samantala, pagdating sa misis niyang si Maine Mendoza, parati raw siyang excited sa tuwing magkakaroon sila ng chance na mag-travel.

 “Because those are the only times talaga na we get to spend time together – to be honest. 

“Kasi ‘pag nandito po sa Manila, of course mayroon din siyang responsibilities. She also has commitments to attend to and also me as well. 

“I juggle up all these things. But rest assured, it’s just time management, proper time management. And we’re both very happy. 

“Yeah, it’s just really time management po. And she’s always on my priority at the end of the day as well,” sabi pa ng aktor/politiko na tila sagot sa intriga kamakailan na may pinagdaraanan silang mag-asawa.

Sa kumalat na isyung buntis na si Maine noong nawala ito sa Eat Bulaga kamakailan, ang paglilinaw ni Arjo tungkol dito. “Ah hindi po. We went on a vacation for our first wedding anniversary po.”

Pero pinag-uusapan na ba nila ang pagkakaroon ng baby? 

Secret na lang po. Of course, we talk about it, but that’s between us, muna. For now, we’re really enjoying each other’s time. Kasi hindi naman po ito mauulit na kaming dalawa na lang together for a long time.

“So, we’re just enjoying and ‘yun secret na lang po kung kailan. That’s between us na lang but definitely, we talk about it po.”

Kaya naghandog si Cong. Arjo ng thanksgiving cum Christmas party sa press, ay dahil sa pasasalamat sa malaking naitulong sa kanyang career at bilang sobrang saya niya rin, sa pagkapanalo sa ContentAsia Awards bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa mahusay niyang pagganap sa Cattleya Killer.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …