Saturday , December 21 2024

Sa Lingayen, Pangasinan
GURO, SEAMAN PATAY SA SUNOG

HINDI nakaligtasang isang public school teacher at kaniyang asawang seaman nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Brgy. Matalava, bayan ng Lingayen, lalawigan ng Pangasinan, nitong Sabado, 14 Setyembre.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Wendy Repato, 35 anyos, isang seaman; at kaniyang asawang si Ronaly Repato, 31 anyos, isang guro sa pampublikong paaralan.

Lumalabas sa imbestigasyon na naunang maamoy ng ama ni Ronaly na si Roger de Guzman, na may nasusunog sa kanilang kusina dakong 2:40 pm kamakalawa.

Bago matupok ng apoy ang bahay, narinig muna ang malakas na pagsabog mula rito, ayon sa pulisya.

Bigong makalabas ang mga biktima na natutulog sa kanilang silid nang magsimula ang sunog.

Idineklarang fire out dakong 3:28 ng hapon.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Jaypee de Guzman, imbestigador ng Bureau of Fire Protection-Lingayen, patuloy ang kanilang pagsisiyasat upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …