Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Magic Voyz

Johan at Jace ng Magic Voyz agaw-eksena sa 24K Magic at Maybe This Time

RATED R
ni Rommel Gonzales

SULIT ang paghihintay sa pagsampa ng Magic Voyz sa stage ng Viva Café nitong Martes ng gabi, September 10.

Bago kasi sumalang ang grupo ay nagkaroon muna ng kanya-kanyang production numbers ang mga Vivamax female stars na sina Marianne Saint, Ayah Alfonso, Rob Guinto, Justin Joyce, at ang mga sexy star na sina Yda Manzano at Krista Miller.

Sumunod ay ipinalabas muna ang music video ng bagong single ng Magic Voyz na ‘Wag Mo Akong Titigan na halatang ginastusan dahil maganda ang mga lokasyon at may mga mamahaling kotse pa na ginamit.

Bongga rin ang ending ng MTV dahil mga naka-swimming trunks at hubad na lumundag sa swimming pool ang mga member ng grupo na sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, at Johan Shane na siyang composer ng kanilang mga kanta tulad nga ng ’Wag Mo Akong Titigan at Bintana na nasa ilalim ng Viva Records at LDG Production ni Lito de Guzman.

Matapos ito ay lumabas na ang grupo na sa outfit pa lamang ay pasabog na sa kanilang see-through at makinang na polo at live na kinanta ang ‘Wag Mo Akong Titigan.

Kinanta rin ng Magic Voyz ang Bintana na change outfit sila ng sleeveless black and white ensemble na lutang na lutang ang mga batak nilang katawan.

Kahit baguhang boy group at hindi pa ganoon katagal sa music industry, maayos naman ang kanilang choreography, hindi perpekto, kailangan pa ng masusing ensayo pero para sa isang baguhang grupo, pasado na.

Napaindak naman nila ang karamihan sa mga nanood sa Viva Café sa dance number nila sa saliw ng Sexy Back ng international singer, na incidentally ay galing din sa boy band, ang NSYNC, na si Justin Timberlake.

May kanya-kanyang solo spot ang boys, agaw-pansin ang maganda at malamyos na boses ni Johan at ang biriterong si Jace lalo na sa duet nila ng ng 24K Magic ni Bruno Mars at ng trending ngayon na Maybe This Time ni Sarah Geronimo.

Aliw din ang pagkanta ng grupo ng Honey My love So Sweet na unang pinasikat ng April Boys noong 1997.

All in all ay matino at masaya ang launch/concert ng Magic Voyz at halatang happy sila at ang manager nilang si Lito dahil napuno ang Viva Café noong gabing iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …