Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Jessy Mendiola Truth or Dare

Jessy ibinuking muntikang paghihiwalay nila ni Luis

MA at PA
ni Rommel Placente

MUNTIK na palang maghiwalay sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ito ang isiniwalat ni Jessy sa Truth or Dare vlog nila ng asawang si Luis.

Ani Jessy, muntik silang maghiwalay ng mister niya ilang araw pagkatapos ng kanilang kasal. Ito ay dahil daw sa ilang taong malalapit kay Luis na hindi niya na pinangalanan.

Sinabi pa ni Jessy na nagsabi na nga raw siya sa mommy ni Luis na si Vilma Santos sa plano niyang tapusin na ang pagsasama nila ng asawa dahil feeling niya, wala nang patutunguhan ang kanilang relasyon.

“‘Yun ‘yung time na may mga tao sa paligid niya na talagang hindi okay. Nasama ako sa issue,” pag-amin ni Jessy.

Ikinasal kami tapos the next day, inaway-away ako niyong taong ‘yun. Kaya pala galit na galit siya sa akin kasi may itinatago siyang sikretong karumal-dumal, na malala.

“Roon ko naamoy na parang, ‘may something itong taong ito. Bakit galit na galit siya na ikinasal kami?’”aniya pa.

Nagsumbong si Jessy kay Luis at binigyan ng warning ang asawa laban sa mga taong ‘yun, pero, “Ayaw niya talagang patibag. Inaaway niya talaga ako. As in talagang away.

“Kulang na lang kampihan niya ‘yung mga taong ‘yun, noong sinabi ko sa kanya, nagagalit pa siya sa akin tapos hindi niya ako pinapansin.

“Sinasabi niya sa akin, ‘Mali ka. Matagal ko na silang kilala. Halos kababata ko sila, part of the family’, (sabi ko), ‘Eh, ako, hindi ba part of the family?”

Pagkatapos daw ng kanilang pagtatalo, “Nagpaalam na talaga ako kay Momski (Ate Vi). Sabi ko, ‘Momski, hindi ko na talaga po kaya. Mahal ko po kayo pero hindi na po ako pinakikinggan ng asawa ko sa totoo.’”

Ngunit mas nanaig ang pagmamahal at tiwala ni Luis kay Jessy hanggang sa malamang totoo ang lahat ng sinabi sa kanya ng asawa. “It wasn’t easy. Gradual na nangyari na nakakalas siya sa mga taong ‘yun.

“‘Yung feeling parang gusto mo na lang talaga siyang iwan pero ‘oo nga pala, kasal nga pala tayo. Hindi tayo pwedeng basta-basta maghiwalay,’” sey pa ni Jessy.

Baling niya kay Luis na nakikinig lang sa kanya, “I guess ginawa ‘yon ni Lord para mas mapalakas ‘yung relationship natin sa isa’t isa.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …