Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Boobsie

Willie may ibinulgar sa totoong pagkatao ni Boobsie

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HALOS naiyak din ako sa naging rebelasyon ni Willie Revillame patungkol kay Boobsie, isa sa mga co-host niya sa Wil to Win.

Naungkat kasi ang pagiging dating Mystica Suarez ng magaling na komedyante na naging alter ego niya during the time na nagdya-Japan siya sa murang edad na 14.

Matindi ang pagka-Marites ni Kuya Will ha dahil talaga namang naungkat pa niya ‘yun. Hindi naman ‘yun idinenay ni Boobsie dahil para sa kanya, trabaho is trabaho. Batang-bata pa siya that time na nakikipagsabayan noon bilang sexy dancer at show girl sa mga kilalang sexy stars gaya nina Camille Roxas, Aya Medel at iba pa.

Ang inyong lingkod ang unang-unang nag-manage ng showbiz career ni Boobsie at isa nga yun sa mga “lihim” ng kanyang nakaraan na hindi namin inilabas during the time na inaalagaan namin siya.

Kaya nang mapag-usapan nila on national TV sa Wil to Win, talagang naiyak na rin kami dahil nag-flashback bigla ‘yung mga usapan namin noon sa gustong magsikap at magkaroon ng puwang sa industriya na si Mary Jane Arabis o Boobsie Wonderland na ngayon.

Hay, nakatutuwa lang na sa tagumpay ngayon ni Boobsie, sadyang may mga bagay talagang nakai-inspire.

Congratulations beh and goodluck sa darating mong birthday concert na magaganap sa Sept. 5 sa Clowns Republic Comedy Bar sa Quezon City at sa Sept. 8 naman sa Hideout Comedy Bar sa Pasig.

May mga celebrity friends siyang makakasama sa mga show na nabanggit gaya nina Allan K, Ate Gay, Ana Ramsey, Osang, at Boobay.

See you there!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …