Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin kumasa rin sa Maybe This Time dance craze

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKAAALIW naman ang concert King na si Martin Nievera dahil game na game rin itong naki-uso sa viral video ngayong Maybe This Time dance craze.

Sa dinami-rami ng celebrities na gumagawa nito sa ngayon, kakaiba ang galawang Martin Nievera na animo’y lasing at parang batang inagawan ng candy hahahaha!

Wish naming gawin niya ito sa paparating niyang concert na The King 4ever sa Araneta Coliseum sa Sept. 27, 2024.

Bagay na bagay ito sa selebrasyon ng kanyang ika-42 taon sa industry lalo’t nagpapakita ang naturang dance craze and viral video na kering-keri pa rin niyang sabayan ang mga bagong uso.

Believe me, sobra siyang nakaaaliw panoorin at napaka-natural ng concert king sa mga galawang gen Z.

Sumikat noong 80’s ang naturang kanta (though may mga same title noong 1960’s) and up to now nga na 2024, in na in pa rin siya at binigyan ng bagong bihis ‘ika nga.

Maybe This Time sa concert ni King Martin ay malagyan niya ito ng bagong tunog at galaw lalo’t minsan na rin niya itong nagawan ng cover sa isang album niya, ‘di ba?

Push natin iyan King Martin hahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …