MA at PA
ni Rommel Placente
SA guesting ng mag-amang Jeric at AJ Raval sa YouTube channel ni Julius Babao, napag-usapn ang tungkol sa pagiging womanizer noon ng aktor.
Kasunod nito ay tinanong ni Julius si AJ, “Paano kung gawin din ni Aljur (Abrenica) ang ginawa ni Jeric?”
Tila nabigla si AJ sa tanong ni Julius at ipinasa niya ang tanony sa kanyang ama.
“Ako kasi, ang tinitingnan ko sa lalaki para sa magiging anak ko ay pagiging responsable kasi maraming lalaki ang naging babaero na inabandona na ‘yung pamilya eh. Mayroon naman akong mga kakilala na babaero rin, pero napakabait,” sey ni Jeric.
Muli namang ibinaling ni Julius kay AJ ‘yung tanong, at ito ang naging sagot sa kanya ng aktres, “Siguro kung dumating sa point na ganoon, siguro sisisihin ko ‘yung sarili ko. Siyempre, kung saan ako nagkulang, kung naging maayos ba akong partner, naging nagger ba ako, nasuportahan ko ba siya noong time na down siya.”
Patuloy niya, “Pero ngayon, confident ako na hindi niya gagawin sa akin ‘yun kasi maganda ‘yung dynamic namin ngayon eh.
“And of course galing na siya sa pagkakamali at sinasabi niya na natuto na siya,” sabi pa ni AJ.