Thursday , April 3 2025
Richelle Singson Chavit Singson

Cong Richelle Singson suportado pagtakbo ni Manong Chavit sa pagka-senador

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI pa nagdedeklara si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na tatakbo sa pagka-Senador sa eleksiyon 2025 nang nakausap namin si Congresswoman Richelle Singson sa opening ng 12th branch ng BBQ Chicken sa Festival Mall, Alabang. Negosyo ng mga Singson ang BBQ Chicken na nagmula pa sa Korea/

Pero bago pa man nag-anunsiyo si Gov. Chavit nitong Agosto 21 ay umiikot na ang mga balita tungkol sa pagtakbo nito.

The only thing I know is a lot of people are encouraging him to run for Senate. So, he has had offers to run under their slate,” lahad sa amin ni Richelle.

Kung siya ang tatanungin, nais ba niyang tumakbong muli ang ama niya sa politika?

Why not? Because right now, even if he doesn’t have a position, he’s still so active. He also wants to help, so ‘yung mga ginagawa ng mga senator, ginagawa rin naman niya, eh.

“Nag-iikot siya, tumutulong siya, may mga project siya, even with his own private money, to help people.”

Parang ayaw mo na siya tumakbo?

Okay lang. Tapos siya rin naman, even though when he’s retired, every time na magre-retire siya from a certain position, doon sa gap, he’s always looking for something to do.

“Gusto niya talaga maging active in the community. He wants to have projects and help people, and then eventually, he finds himself back in a new position.

“It’s like naka-ilang cycle na siya na ganoon. So, gusto niya talaga his mind is active, and then he’s helping the people lagi. Ganoon siya lagi.”

Matagal na panahon na naglingkod bilang gobernador ng Ilocos Sur si Manong Chavit at naging mayor din ng Narvacan, Ilocos Sur mula 2019 hanggang 2022.

Sa mga nakaraang interviews kay Gov. Chavit ay naikuwento nito na marami na siyang natanggap na death threats, marami ng pagtatangka sa buhay niya.

Hindi nag-aalala si Richelle at mga kapatid niya na baka kapag pumasok muli sa politika ang ama ay malagay na naman sa alanganin ang buhay nito?

No, because he’s talking about the time in the ‘70s, in the ‘80s, when sa North, it was like a warlord country. 

“During that time, there was a lot of unrest, pero ngayon, wala na ‘yung time na ‘yun, eh. Tahimik na ngayon.

“During that time, that’s when he had mga… ang dami na niyang ambush eh, more than eight ambushes yata, threats on his life, pero ngayon, wala na.

“Kasi lahat friends niya, and then

he’s a very forgiving person. He forgives people who even have threatened his life, those who are against him, fino-forgive niya eh. That’s one thing I admire about him.”

Si Richelle ay isang politiko rin, kasalukuyan siyang Congresswoman ng Ako Ilocano Ako Partylist at muli siyang tatakbo sa susunod na eleksyon.

Samantala, ika-12 branch na ng BBQ Chicken ang bagong bukas sa Festival Mall, at ayon pa kay Richelle ay plano nilang makapagbukas ng 300 branches pa sa susunod na limang taon.

About Rommel Gonzales

Check Also

Yohan Castro Vehnee Saturno

Yohan Castro balik-showbiz, patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AFTER two years ay itinuloy ni Yohan Castro ang kanyang …

Iñigo Pascual Allen Dizon

Iñigo Pascual bigay-todo sa pelikulang “Fatherland”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KABILA ng Hollywood stint ni Iñigo Pacual sa TV …

D Grind Outstanding Dance Group sa Best Magazine

D Grind Outstanding Dance Group sa Best Magazine

MATABILni John Fontanilla ITINANGHAL na Outstanding Dance Group of the Year sa Best Magazine 6th Faces …

Alden Richards

Alden walang balak sumabak sa politika

MATABILni John Fontanilla KALIWA’T kanan ang alok sa  Asia’s Multimedia Star at Kapuso prime actor …

Samahan ng Mga Makasalanan SM City Caloocan

Mga Makasalanan dinumog

RATED Rni Rommel Gonzales JAMPACKED ang Mall Atrium ng SM City Caloocan last Saturday (March …