Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Juan Luna (Isang Sarsuela) Atty Vince Tan̈ada

Juan Luna, Isang Sarsuela maihahalintulad sa mga sikat na Broadway musical play

MATABIL
ni John Fontanilla

SA paggunita ng ika-140 anibersaryo  ng  Spoliarium, hatid ng  Philippine Stagers Foundation, ang  national mobile theater ng Pilipinas, ang musical play na Juan Luna (Isang Sarsuela), mula sa panulat at direksiyon ni Atty. Vince Tan̈ada.

Tumatalakay ang musical play sa buhay na pinagdaanan ng Filipino revolutionist, painter na nanalo ng gold medal noong 1884 Exposicion Nacional de Bellas Artes sa  Madrid, na nagpasiklab ng rebolusyon laban sa Spanish government, sa mga Filipino na naninirahan sa  Europa, sa pangunguna nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Trinidad Pardo De Tamera, Gen. Antonio Luna, at Juan Luna.

Ang mga napakagandang awitin ay mula sa komposisyon ng award-winning musical director na si Peter Paul  Pipo Cifra

Ilan sa mahuhusay na aktor na kasama sa Juan Luna , ang Sarsuela sina Atty. Vince (Juan Luna 2), Johnrey Rivas (Juan Luna 1), John Arcenas (Jose Rizal), JP Lopez ( Marcelo H. Del Pilar), Jomar Tanada Bautista (Hen. Antonio Luna), Fidel Redado (Trinidad Pardo de Tavera),  Vean Olmedo (Ina), Ms. Adelle Ibarrientos-Lim (Juliana  Pardo de Tavera), Yvonne Ensomo (Paz De Tavera), Reign Lanz(Nellie Bousted), Chris Lim  (King Alfonso XII), Chin Ortega (Chris’s alternate), De’Rotsen Etolle, Lance Cabradilla (Andres Bonifacio), atbp..

Isa kami sa nakapanood sa unang pagpapalabas ng Juan Luna, Isang Sarsuela na ginanap sa Adamson University last Aug. 30 na maganda ang pagkakagawa at pagkaka-direhe. Ang huhusay ng mga aktor na nagsipagganap,  magaganda rin ang mga costume na ginamit na gawa ng  ins ng PSF, na si  mommy Emy Tañada, habang si  OJ  Arci naman ang naging punong abala bilang production and stage manager.

Kaya naman abangan ang paglibot ng PSF’s 24th Season, ng Juan Luna, Isang Sarsuela  sa buong Pilipinas hanggang August 25, 2025.

Para sa ibang katanungan magtungo sa kanilang FB account (Stagers Channel), email addy ([email protected]), o tumawag sa 09171645078/09566690335

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …