Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stell Ajero SB19

Stell patuloy na kinukuwestiyon sekswalidad — may issue ba tayo kung for example na maging bakla ako?

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI mamatay-matay ang isyu tungkol sa sekswalidad ni Stell Alejo, member ng SB19.

Sa panayam ng Fast Talk with Boy Abunda, napag-usapan nga ang isyung ito at matapang itong sinagot ni Stell.

Ayon sa binata, wala siyang nakikitang problema kung sakali mang bakla siya. Hindi raw ito isang uri ng insulto para sa kanya na palagi ngang ibinabato sa kanila.

Hindi ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto ‘yong ganoong klaseng bagay?

“Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na if ever man isipin nilang ganoon. Kasi if ever man na ganoon ako, what’s the problem?

“So, if ever man na gaboon ako, anong problema? So, may issue ba tayo kung for example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa akin?

“Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi,” ang dire-diretsong paliwanag ni Stell.

In-address din ni Stell, ang ginagawang pagsi-ship sa kanila ng ilang fans na inaakala ng iba na totohanan na at nalalagyan na ng malisya.

Katulad nga po niyong mga ganoong issue, na mahilig ‘yong fans sa shipping. Hindi namin maiiwasan ‘yon.

“Kasi kami nga minsan nagkaka-ano rin kami, bakit parang ganoon ‘yong tingin ng tao, eh sa amin parang normal naman ‘yun bilang magkakaibigan. Sa ibang tao, iba pala ‘yung iniisip nila,” paliwanag pa ni Stell.

Pakiusap ni Stell sana raw ay tigilan na ang mga kanegahan dahil ang gusto lamang nila ay maging masaya ang lahat at ma-enjoy ang kanilang mga ginagawa para sa lahat ng fans.

Wala naman kaming problema sa mga ganoong klaseng issue kasi willing naman po kaming sagutin lahat,” sey pa ni Stell.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …