I-FLEX
ni Jun Nardo
KAGATIN kaya ni Carlos Yulo ang alok ni Coco Martin na lumabas sa Batang Quiapo?
Nang pumasy si Caloy sa ABS-CBN building, isa si Coco sa nakaharap niya bukod sa executives ng network. Inalok siya ni Coco na lumabas sa series niya.
Ang walang kaalaman sa pag-arte ang sagot ni Yulo. Pero sinabihan daw siya ni Coco na siya ang bahala. Magsabi lang kapag maayos na ang schedules.
Kailangan pa ba ni Carlos na pasukin ang showbiz eh buong mundo na ang nakakakilala sa kanya sa tagumpay sa Paris Olympics? At humihiga na siya sa pera, so bakit pa, ‘di ba?