Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pedro Red

Newbie actor Pedro ‘di isyung sumayaw ng naka-brief

RATED R
ni Rommel Gonzales

FIRST movie ng newbie actor na si Pedro Red ang Wild Boys.

Ang actor-turned-director na si Carlos Morales na direktor ng pelikula ang nakakita kay Pedro at nagsali.

Lahad ni Pedro, “Last year, I was invited po sa Macau as a judge, and then, pinag-perform nila ako. Ano po ‘yun eh, may mga OFW tayo roon na nagpapa-pageant para sa mga OFW. 

“So, I was invited, nag-perform ako roon. Tapos, ‘yung manager ko ini-record ‘yung video, and then, during that time po pala, si direk Carlos, naghahanap din siya ng mga puwedeng isabak na actor dito.

“So, ipinakita ‘yung video, and then, parang nabanggit ni direk Carlos na may potential. So, ‘yun po, roon na po nag-start.”

Papel ng macho dancer ang gagampanan ni Pedro sa pelikula, paano siya napapayag?

Siyempre po, yes po, napapayag ako agad, kasi unang-una, trabaho ‘yan eh.

“At saka, film ‘yan. Kumbaga, napakalaking bagay, unang-una pa lang, mapabilang ka sa cast, napakalaking bagay na ‘yan.

“Lalo na pangarap mong makapasok sa showbiz, kailangan, ano ka, ready ka nga lang. So, para sa akin naman po, trabaho, trabaho.”

Bida sa pelikula ang magkapatid na Vin at Aljur AbrenicaRash Flores, Kristof Garcia, Nico Locco at ang komedyanteng si Inday Garutay.

Hindi raw isyu kay Pedro na sumayaw sa harap ng kamera na trunks o briefs lang ang suot.

Kung ano po, kung kinakailangan, sige po.”

Napanood niya ang pelikulang Magic Mike ni Channing Tatum na kuwento ng mga macho dancer.

Mga ganoon po. Kasi base po sa pagkakaintindi ko sa pelikula namin, hindi naman siya ‘yung parang macho dancer talaga na usual.

“Parang ‘Magic Mike’ po siya.

‘So, para sa akin, I got interested. Unang-una, idol natin ‘yan, si Channing Tatum. So, para sa akin po, malaking bagay itong proyekto.”

Nagsimula si Pedro sa showbiz nang madiskubre siya sa isang mall ng kanyang manager na si Harley Licup Manalili.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …