Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dionisia Pacquiao Carlos Yulo Manny Pacquiao

Mommy Dionisia may payo at mensahe kay Carlos Yulo

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBIGAY ng mensahe at payo si Mommy Dionisia Pacquiao, ina ni Pinoy boxing Manny Pacquiao, ang two time  Olympic Gold Medalist na si Carlos Yulo na dapat nitong mahalin ang kanyang inang si Angelica at pamilya.

Sa isang interview ay sinabi ni Mommy Dionisia  na, “Carlos Yulo, mahalin mo ang nanay mo. ‘Wag ka magkimkim ng sama ng loob.”

Dagdag pa nito, “Mahal na mahal ka niya. ‘Yan lang ang payo ko sa iyo bilang nanay.”

At sa pagdating nga nito noong Martes kasama ang iba pang atletang lumahok sa 2024 Paris Olympics ay wala ni isang pamilya ni Carlos ang sumalubong na bali-balitang hindi pinayagan.

At sa Motorcade nito ay maraming netizens ang nadurog ang puso nang makita sa crowd na nag-aabang sa pagdaan ng karosa ni Carlos ang tatay nito na sana ay kasa-kasama sa parada. Bagkus ang girlfriend nitong si Chloe ang kasama.

Maging sa Malacan̈ang ay ang GF  pa rin nitong si Chloe ang kasama at hindi ang kanyang pamilya.

Malayong-malayo nga si Carlos sa Pambansang Kamao na sobra-sobra ang pagmamahal sa kanyang ina at inialay ang tagumpay sa kanyang minamahal na ina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …