Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zsa Zsa Padilla

Zsa Zsa nakahanap solusyon sa sakit sa kidney

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGULAT kami sa picture ni Zsa Zsa Padilla na nasa isang ospital. Iyon pala ay ang matagal na niyang problema sa kidney. Noon ay sumailalim na siya sa operasyon para roon pero hindi pa rin nailagay sa ayos ang problema. Kaya pala siya nasa US at nakasama pa sa concert ni Sharon Cuneta ay talagang naroroon siya para magpagamot pero mukhang wala roon ang hinahanap niyang solusyon. 

May nagsabi raw sa kanya na ang mas mahuhusay ang doktor na maaaring tumingin sa kanya ay nasa Singapore, kaya roon naman siya nagpunta.

Nakakuha na yata siya ng isang espesyalistang titingin sa kanya at nagsagawa na iyon ng iba’t ibang test na kailangan para malaman kung ano ang maipapayo sa kanya. Mukha naman daw maganda ang kinalabasan, ibig sabihin may nakikita silang isang definite cure para kay Zsa Zsa.

Sana nga ay makatagpo na siya ng kagalingan sa sakit na dinadala na niya simula noong bata pa siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …