Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Carlos Yulo

Willie binigyan ng jacket si Carlos; pagkakasundo ng pamilya sinimulan sa Wil to Win

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPASALAMAT si Carlos Yulo sa kanyang ama dahil sa pang unawang ipinakita niyon at lubusang suporta sa kanya. Bagama’t hindi binanggit ang ina, nagpasalamat siya sa buo nilang pamilya dahil sa mga panalangin at suporta sa kanya. HIndi pa rin siguro nalilimot ni Carlos ang supportang ipinakita ng kanyang ina sa mga Japanese gymnast habang makakalaban niya ang mga iyon. At ang nasabi niyon na hindi siya happy para sa anak niya, “dahil maramot siya.”

Bagama’t sinasabi ni Carlos na napatawad na niya ang kanyang ina, maaaring hindi pa niya nakalilimutan iyon. Iba naman ang pagpapatawad sa pagkalimot ng mga nangyari. Gayunman, magandang simula na iyon ng pagkakasundo ng pamilya na nasimulan sa Wil to Win ni Willie Revillame nang hingan niya ang Olympic Gold medalist ng mensahe para sa kanyang pamilya. Sa Tuwa naman ni Willie, hindi siya nag-utos na, “bigyan ng jacket iyan.” Siya mismo ang nagsuot ng jacket kay Caloy na mukhang special talaga dahil may pangalan pa ng Olympic champion.

Masayang-masaya naman si Carlos na kaharap ang maraming live audience sa show habang kasabay niyon ay inilalabas naman sa kabilang channel ang replay ng isang show na naging guest din siya. Pero siyempre saan ka ba pupunta eh ‘di roon na sa live. Marami pang shows na magiging guest din si Carlos, iyon nga lang, kailangan niyang unti-untiin. Kagaya niyong isang araw kailangan naman niyang magpakita sa Megaworld na nagbigay sa kanya ng isang malaking condo sa MC Kinley Hills. 

Wala mang kailangang endorsement, kailangang makita siya ng mga tao sa nasabing lugar pati na sa Grand Canal Mall na roon siya sinalubong ng napakarami ring tao.  Ganyan ang magiging buhay ni Carlos sa panahong ititigil niya sa PIlipinas, bago siya muling humarap sa panibagong training.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …