Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Rodriguez

Kim Rodriguez nominado sa Taipei International Film Festival 

MATABIL
ni John Fontanilla

SIMPLE pero masayang-masaya ang kapamilya actress na si Kim Rodriguez sa pagseselebra ng kanyang kaarawan kamakailan kasama ang pamilya, malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz at ang manager na si Ogie Diaz.

Kung dati-rati ay laging para sa kanyang sarili ang wish, ngayon ay para sa mga bata sa boystown.

Dati ang wish ko lagi para sa akin, pero ngayon noong nakita ko ulit ‘yung mga bata sa boystown, wish ko na sana ipanalo ni Lord lahat ng mga bagets doon.

Siguro ganoon talaga Tito John, kapag tuloy-tuloy ang blessings na dumarating sa buhay mo, mas gusto mo na lang makatulong sa iba.

“Masarap kasi tingnan na may mga tao kang natutulungan at napapangiti kahit sa maliit na paraan katulad ng mga bata sa boystown,” sabi pa ni Kim.

Bukod sa regular itong napapanood sa Batang Quaipo ibinalita rin nito na nakatakda siyang pumunta ng Taiwan sa August 31 dahil nominado siya sa Taipei International Film Festival for Most Promising Female Actress of the year.

Sobrang saya po dahil may Taiwan po ako sa August 31, may invitation po ako para pumunta roon, dahil nominated po ako sa Taipei International Film Festival for Most Promising Female Actress of the year. “

Nakakataba ng puso ‘yung mapansin ang talento mo sa ibang bansa, napagandang regalo sa kaarawan ko,” pagtatapos ni Kim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …