Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Singer Dancer

‘Kasubo’ nagkalat sa lahat ng networks

ni Ed de Leon

HINDI mga kapamilya, kapatid o kapuso ang pinag-uusapan ngayon. Mas marami kasing controversy ang mga “kasubo” at nagkalat sila sa lahat ng networks ha. Hindi dahil sa tahimik ngayon ang isang major network ay wala nang kasubo roon, mayroon pa rin pero mukhang specialty nila iyon dahil lahat sila ay mukhang dumaan sa isang kasubo workshop na ang facilitator ay isang dating network executive na sa dami ng nasubo, wala isa mang nagreklamo. 

Kasi lahat naman sila ay well provided for. Sa kanila bawal ang balasubas na nangti-TY ng boys kaya nagrereklamo. Kinakausap nila ang mga boylet at sinisiguro nilang with consent ang pagsama sa kanila. Kung hindi kahit na lalaki ang mga iyan, maaaring magreklamo ng rape. Take it from the expert herself, Atty. Lorna Kapunan. Although mababa naman ang multa at maikli lang din ang pagkakakulong dahil mga lumang batas pa ang umiiral, aba malaking kahihiyan iyong masabing isa kang baklang rapist.

Kung sa bagay hindi lang naman mga artista, maski nga politician may naging kulukadidang ng bakla pero hindi sila nagreklamo dahil with consent naman iyon at saka masisira sila kung malalaman ng mga tao na ang politician ay na-rape rin ng bading.

Kaya nga maraming mga kalalakihan na kahit na masasabi mong biktima ng pamumuwersa ng mga kasubo hindi na lang nagrereklamo dahil malaking kahihiyan nga iyon. Tingnan ninyo si Sandro Muhlach, nagkaroon pa ng trauma dahil sa nangyari sa kanya, at iyon ay habambuhay na niyang dadalhin. Marami namang nagkaroon ng ganoong karanasan na hindi na-trauma, kasi nga with consent ang nangyari sa kanila, eh iyong kay Sandro mukha ngang laban sa kanyang kalooban kaya pagkatapos ang pakiramdam niya ay diring diri sa sarili.

Mabuti nga hindi kami naging pogi. Mahirap ang pogi sa panahong ito, baka ma-trompeta ka nang hindi mo gusto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …