MATABIL
ni John Fontanilla
HALATANG-HALATA ang lungkot sa mata at boses ng nakababatang kapatid ng two time Olympic Gold madalist na si Carlos Yulo na si Karl Eldrew Yulo nang ma-interview ito kamakailan.
Wish ni Karl na sana ay pumasyal sa kanila si Carlos kahit sandali.
“Hindi ka namin pinipilit na lumapit pero sana maisipan mo rin na lumapit kahit para kay papa na lang o para sa akin.
“Gusto ko lang mabuo tayo. Wala akong paki kahit maka-gold ka kasi kaya ko rin ‘yan, magagawa ko rin ‘yan. Gusto ko lang, mabuo tayo matagal na,” anang kapatid na hindi naiwasang maiyak habang sinasabi ang mensahe para sa kanyang kuyang si Carlos.