SA LAYONG palakasin ang poder sa Southeast Asia, nagpulong noong 1 Pebrero 2024 sina Ambassador Gina Jamoralin at CEO ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) Mr. Patrick Chan sa Jakarta upang pag-usapan ang pinakabagong updates sa proyekto ng kompanyang East Java Multipurpose Terminal (EJMT) sa Lamongan Regency, na matatagpuan sa hilagang-kanluran ng Surabaya sa Indonesia.
Eksperto at patuloy na nagpapakahusay sa pamamahala ng mga pasilidad sa daungan mula nang itatag noong Disyembre 1987, ngayon ay may 32 terminals sa 19 bansa, at may mga pangunahing proyekto sa Filipinas gaya ng Manila International Container Terminal (MICP) at Manila North Harbor Port (NorthPort), ang estratehikong pagpapalawak ng ICTSI sa Indonesia ay nagpapahiwatig ng layunin ng kompanya na magpatakbo ng mga pasilidad na pangdaungan na lumilikha ng mahusay na pagbabago at pangmatagalang pag-unlad.
Ang proyektong EJMT ay magkakaloob sa East Java Province, sa pamamagitan ng mga pasilidad ng Lamongan Regency, na maalalayan ang sektor ng pagmamanupaktura sa tuloy-tuloy at mahusay na transportasyon habang nag-aambag sa economic growth ng rehiyon at sumusuporta sa mga lokal na industriya.
“Catering to an already thriving industry with this new investment, EJMT is well-positioned to support the growing economy of East Java and Indonesia,” ani Patrick Chan, ang walang kapagurang Chief Executive Officer ng EJMT.
Sa pandaigdigang oportunidad, ang East Java Multipurpose Terminal (EJMT) ay simbolo ng malalim na pangkabuhayang relasyon ng Indonesia at Filipinas na lalo pang nag-aambag sa pagpapanatili ng diplomatikong ugnayan at pagtutulungan sa mahabang panahon sa maraming larangan kabilang ang komersiyo, seguridad, at pagbabahagi ng kultura ng dalawang bansa mula noong 1949 habang pinatatampok ang kakayahan sa pagnenegosyo sa pandaigdigang pamantayan.