Thursday , December 19 2024
Riannah Chantelle Coleman Eric Buhain Richard Bachmann
NILANGOY ng Fil-American na si Riannah Chantelle Coleman 14-15 age category ang 50-meter breaststroke sa impresibong 33.96 para makamit ang gintong medalya. Magkasama sina Philippine Aquatics Inc. (PAI) Secretary General at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain at Philippine Sports Commision (PSC) Chairman Richard Bachmann na dumalo sa opening ceremony ng PAI National Sports Trials sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Fil-foreign swimmers nagparamdam sa PAI National trials

TULAD ng inaasahan, maagang nagparamdan ang mga Filipino-foreign swimmers sa pangunguna ni Filipino-American Riannah Chantelle Coleman sa pagsisimula ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) 50-meter (long course) National Sports Trials nitong Huwebes sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Maynila.

Nalampasan ng 15-anyos na si Coleman, isang regular na campaigner sa local swimming circuit, ang 33.98 segundo Southeast Asian Age Group Qualifying Standard Time (QTS) para sa mga batang babae 14-15 50-meter breaststroke sa impresibong 33.96 para makamit ang gintong medalya.

Tinalo ng protegee ni coach Dax Halili ng Dax Swim Club sina Krystal Ava David ng Golden Sea Eagles (34.69) at Jamaica Enriquez ng Pangasinan (35.62) sa event na suportado ng Speedo, Pocari Sweat at Philippine Sports Commission (PSC).

“It feels so amazing because I sacrifice so much for this moment. I woke up at 2:00 am everyday to practice before going to school, there’s so much pressure on me but surprisingly I made it and I am so very happy with the results,” sambit ni Coleman, isang athletic scholar sa government-run National Academy of Sports sa Capas, Tarlac.

“I was excited when I saw the name of Ate Kayla (Sanchez) in the starting list. I said to myself, wow I’m going to swim off with the Olympian medalist, but unfortunately her name was scratched at last minute, Sayang!” panghihinayang ni Coleman sa nasayang na panahong makasabayan niya ang Fil-Canadian Olympian na bahagi ng heat 12 of 13 Finals sa naturang event.

Ang 23-anyos na si Sanchez, isang bronze medalist sa relay event swimming para sa Canada noong 2021 Tokyo Games bago kinatawan ang Filipinas sa katatapos na Paris Olympics, ay  ‘no show’ sa 50-m breast – isa sa tatlong event na nakatakda niyang lahukan sa torneo.

“Napagod nang husto. Na-late kasi ‘yung parade kahapon. Pag-uwi namin sa hotel kagabi masama na ang pakiramdam, kaninang paggising medyo may sinat na kaya nag-decide kami na scratch na lang ‘yung event today,” pahayag ng ama ni Sanchez na si Noel.

Ayon kay PAI Secretary General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain, ang Trials ang gagamitin bilang proseso ng pagpili ng mga miyembro ng National training pool na kakatawan sa bansa sa nakatakdang international competition ngayong taon hanggang sa unang dalawang quarter ng 2025.

“Huwag ninyong sabihin ang pagkakataon. Kung ano ang mga natutuhan ninyo sa training, gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya. Kami po sa PAI ang bahala ‘pag nakasama kayo sa National Team,” pahayag ni Buhain sa opening ceremony na dinaluhan din nina PSC Chairman Richard Bachmann and Executive Director Paulo Tatad.

Hataw din si Gian Santos, nakabase sa Rancho Santa Margarita sa California, matapos manguna sa boys 16-18 400-meter freestyle sa oras na 4:01.26, halos anim na segundo na mas mabilis sa 4:07.74 QTS sa naturang kategorya. 

Tinalo niya ang promising Davaoeño na si Paolo Miguel Labanon ng Rasa Wave (4:07.79) at Anton Della ng La Union (4:17.70).

Ang isa pang Fil-Am na si Jaydison Dacuycuy at Fil-Mongolian Enkmend Enkhmend ay parehong nabasag ang QTS (30.72) sa boys 14-15 50-m breast sa tiyempong 30.39 at 30.60, ayon sa pagkakasunod. Nagtapos si Sebastian Marcelo sa pangatlo sa 30.94.

Ang iba pang gold medalists sa kani-kanilang events ay sina Behrouz Mojdeh sa boys 11-13 400-m free (4:40.05), Aishel Evangelista (14-15, 4:18.27), Adrian Eichler (19-over, 4:07.01), Daniel Bumadella (boys 11-13 50-m breast, 33.82), Joaquin Taguinod (16-18, 30.16), Jaeddan Gamilla (19-over, 28.34), Rielle Antonio (girls 11-13, 50-m breast, 36.98), Arabella Taguinota (16-18, 34.14), Alyza Ng (19-over, 33.20), Makayla Petalvero (girls 11-13 400-m free, 4: 53.57), Kyla Bulaga (14-15, 4:45.31), Jie Talosig (16-18, 4:40.93), at Mishka Sy (19-over, 4:41.29). (HATAW Sports News)

About hataw tabloid

Check Also

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …