Thursday , December 26 2024
KWF Kampeon ng Wika 2024

Edukador, manunulat, at mananaliksik, gagawaran sa KWF Kampeon ng Wika 2024

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Kampeon ng Wika 2024 sina Raymund M. Pasion, PhD; Nora J. Laguda, PhD; Almayrah A. Tiburon, Joel B. Lopez, PhD; Cristina D. Macascas, PhD.

Si Raymund M. Pasion, PhD ay nanguna sa pagtaguyod ng pabubukas ng programang Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon medyor sa Filipino sa taong 2014 sa Davao Oriental State University. Nakita niya ang pangangailangan ng probinsiya na magkaroon ng maraming tagapagtaguyod at tapagturo ng pambansang wika. Kumatha rin si Dr. Pasion ng mga artikulo at aklat ukol sa “Varáyti ng Filipino ng mga mag-aaral sa Lungsod ng Mati, kabisaan  sa paglinang  ng Filipino,” at marami pang iba.

Si Nora J. Laguda, PhD ay napaunlad ang kasanayang pangwika at pampanitikan ng mga guro at mag-aaral sa Filipino nang siya ay maging Tagamasid Panrehiyon ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon V sa DepEd Rehiyon 5. Ginampanan niya ang iba’t ibang gawaing pangwika, pagsusuri ng mga kagamitang pampagtuturo at pagkatuto, pamamahala sa mga programa at pagsasanay kaugnay sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng Filipino, at iba pang kaugnay na atas ng tungkulin.

Si Almayrah A. Tiburon, PhD ay may angking galing sa pagsusulat at naitampok siya sa Mustaqim Philippines (Muslim and another native of Mindanao identified among SPOT PH’s 10 most noteworthy Filipino Writers), MSU  Newsletters (Almayrah: An Epitome a Mëranaw Woman on Pages), “Siyam na Awtor na Nagsusulat sa Wikang Filipino,” artikulo para sa CNN Philippines, Mindanao Creative & Cultural Workers Group, Inc.; “S’bang Ka Marawi” Episode 90; Songs Sprung  from Native Soils: More Conversations with Eight Mindanao Writer (Best Book of Literary  History in English sa National Book Awards 2022).

Si Joel B. Lopez, PhD  ay isang alagad ng wika na may mga natatanging ambag  at nagawa sa usaping pangwika kabilang ngunit hindi limitado sa pagsusulong sa paggamit ng Filipino at Ilokano sa Korespondensiya Opisyal ng DepEd, pagpapalit ng mga selyo ng tanggapan gamit ang wikang Filipno mulang Ingles, pagsusulong ng Ortograpiyang Pambansa at Ortograpiya ti Pagsasao nga Ilokano, preserbasyon ng wikang Ilokano; pagtuklas sa umpisang literasi sa Ilokano, kontribusyon sa pagsasalin; paggamit sa wikang Filipino at Ilokano sa mga awit ng sangay (Lungsod Batac at Lungsod Laoag), at aktibong pakikibahagi sa mga gawain ng KWF.

Si Cristina D. Macascas, PhD ay edukador mula sa Pamantasang Normal ng Pilipinas na kilala sa husay niya sa Filipino at sa kaniyang pagsisikap sa larangan ng pagtuturo sa Filipino. Sinimulan ang pagsasangandiwa ng mga gawain na nagtatampok sa kaalaman at kahusayan ng mga estudyante sa pamamagitan ng WIKAsaysayan, pagsagawa ng paligsahang pampaaralan na Gamhanan para sa Filipino at Araling Panlipunan, nag-evaluate ng mga modyul at aklat para sa Kagawaran ng Edukasyon at awtor ng modyul ng Pedagohiya ng Wikang Filipino para sa programang Linking Standards and Quality Practice (LiSQuP).

Ang Kampeon ng Wika ay iginagawad sa mga pilíng indibidwal at institusyon na ipinalalaganap ang wikang Filipino at mga wikang katutubo sa kani-kaniyang larangan. Mulang 2013, nakapaghirang na ang KWF ng mga Kampeon ng Wika sa mga alagad ng midya, pelikula, panitikang rehiyonal, organisasyong pampanitikan hanggang sa dominyo ng kultura, politika, musika, at akademya.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …