Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola Baby Peanut

Anak nina Jessy at Luis ‘di nakaligtas sa mapanuring netizens

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAINIS si Jessy Mendiola sa mga basher na ang pinupuntirya naman ngayon ay ang anak niyang si Peanut. Sinasabing bakit daw mukhang payat si Peanut. May nagsabi pang napakabata pa ni Peanut pero malaki na raw ang eye bags na sinagot naman ni Jessy na natural lang sa kanilang pamilya iyon dahil may dugo silang Lebanese. Sa badang huli tila napikon ang nanay at nagtatanong kung magaganda ba ang namimintas sa kanyang anak.

Iyan ang hirap ng buhay ng mga artista. Lahat kasi gustong malaman at masundan ng tao sa kanilang buhay. Kaya nga maski si Peanut na kung tutuusin ay hindi naman isang public property kundi isang private person nabilad na rin sa publiko dahil sa social media. 

Basta ang isang tao, kahit na bata pa ay inilabas mo sa publiko, marami na talaga ang pupuna riyan at kailangan lang na huwag pansinin ang mga negatibo, pero hindi mo rin masabi, natural lang na masaktan ang magulang basta pinintasan ang kanyang anak.

Iyon ngang isang female star na kakilala namin eh talaga namang pagkapapangit ng mga anak, pero dahil nanay hindi niya matanggap na nalahian siya ng pangit. Lahat din ng klaseng depensa ginagawa na niya pero in the end pangit pa rin ang hitsura ng mga anak niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …