Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlos Yulo

Agosto 4 idineklarang Carlos Yulo Day

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY mga taong hindi nauunawaan ang rules of protocol na sinusunod para sa mga personalidad. May nagtatanong kung bakit daw hindi pinayagan ang pamilya ni Carlos Yulo na siya ay salubungin sa airport nang dumating mula sa Paris Olympics? Nagreklamo pa ang lolo niya na naudlot daw ang kanilang kasiyahan nang hindi sila payagang sumalubong sa airport.

May nagtatanong pa kung bakit daw hinayaan ang tatay ni Yulo na makisiksik na lang sa maraming tao para makita lamang ang anak sa parada na naglibot sa Maynila patungo sa Rizal Memorial complex na may isa pang opisyal na pagsalubong para sa kanila? Hindi raw ba dapat na pinasakay na lang din ang ama ni Carlos sa float kasama ng kanyang anak?

Sa biglang tingin sasabihin mong bakit nga ba? Nasanay kasi tayong may umaalis o dumarating na mga kaanak mula sa abroad at inihahatid o sinusundo pa natin sa airport at kumakaway pa tayo hanggang sa lumilipad na eroplano na akala mo naman makikita pa iyon ng mga kaanak nila. Pero iba ang pagdating ni Yulo at ng iba pang atletang Filipino. Hindi na sila ang mga kaanak nating kailangang salubungin, sila ay mga kinatawan ng bansang PIlipinas at para sa kanila ay may kailangang sunding protocol. Pagdating nila sa PIlipinas ay kailangan muna nilang harapin ang Pangulo ng Pilipinas para maipaabot nila ang pasasalamat sa suportang ibinigay sa kanila ng buong bansa.

Kasabay niyon ipaaabot din naman ng Pangulo sa kanila ang pagbati sa ngalan ng mga mamamayan ng Pilipinas. Pagkatapos ng pangulo, haharap din sila sa mga pinuno ng dalawang kapulungan ng kongreso sa mga lider ng sports sa bansa, sa kanilang sponsors at sa media. Pgkatapos lamang ng lahat ng iyan at saka papayagan ng protocol na gumawa na sila ng sarili nilang lakad o umuwi na sa kanilang pamilya, pero naroroon pa rin ang tagubilin na kailangang priority sa kanila kung sino ang unang dapat pakikiharapan batay sa rules of protocol. 

Halimbawa si Yulo, kung umalis siya ng Pilipinas na anak lamang siya ng nanay at tatay niya, ngayon ay iba na, siya ay personalidad na ng bansang Pilipinas. Malaki ang kaibahan niyan sa dati niyang buhay pero ang mga pagbabagong iyan ay kaakibat ng kanyang katayuan bilang isang Olympic medallist at magbabago lamang iyan pagkatapos pa ng susunod na Olympic games. Gayunman, hindi pa rin lubusang magbabago ang mga susunding protocol at buhay ni Yulo dahil siya ang kauna-unahang atleta na naghatid ng dalawang medalyang ginto sa Pilipinas.

Kasabay niyan, bukod sa pagbibigay sa kanya ng P2-M incentives, idedeklara ng Lunsod ng Maynila na ang Agosto 4 ay Carlos Yulo Day. Hindi iyan dagdag na holiday na tinututulan ni Senate President Chiz Escudero kundi isang memorial lamang at mananatiling isang working day ayon kay Mayor Honey Lacuna ng Maynila. 

Ang resolusyon na nagdedeklara ng Carlos Yulo Day sa Maynila ay ipapaabot sa kanya ng konseho sa pamamagitan ni Vice Mayor Yul Servo sa kanyang pagdalaw sa pamahalaang lunsod ng Maynila. Si Carlos ay isang Manileno nakatira siya sa Leveriza, na sakop ng lunsod ng Maynila. Aba huwag din ninyong sabihing ganoon lang ang Leveriza, dahil doon din nagmula si Susan Reid o mas kilala bilang ang aktres na sa Hilda Koronel.

Marami pang magiging pagbabago sa takbo ng buhay ni Carlos at siguro naman ay napaghandaan na niya iyan. Kasama iyan ng panalo niya sa Olympics at siguro isang panuntunan nang kailangan niyang dalhin habambuhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …