Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Bautista Luis Manzano

Mark mala-bangungot ang naranasan sa Amerika, pinaulanan ng bala

MA at PA
ni Rommel Placente

INAKALA ni Mark Bautista na katapusan niya na noon, nang maranasan ang shooting incident sa America.

Itinuturing ng singer na himala ang nangyari sa kanya at sa ilang kaibigan nang muntik na silang mamatay matapos masangkot sa shooting incident noong 2017 sa Seattle, Washington.

Base sa panayam kay Mark ni Luis Manzano, na napapanood sa YouTube channel nito, second life na nga raw niya kung tutuusin.

Inalala ng Kapuso star na mala-bangungot na karanasan, kasama ang kanyang mga kaibigan sa musical theater play sa US.

Nasa likod kami, ‘yung nag-Uber kami, and then may kotse lang sa harap namin na biglang nag-stop. Then may lumabas na lalaki sa sun roof nila. May hawak na dalawang baril talaga,” pagbabalik-tanaw ni Mark.

So talagang gumanoon, (lumingon) siya sa likod, nagpaulan talaga siya ng (bala) baril,” kuwento pa niya.

Mas tumindi pa raw ang kanilang takot nang makitang nabutas ang mga pintuan ng kanilang sasakyan at nabasag din ang mga salamin. Feeling ni Mark ay katapusan na nila at hindi na siya makababalik ng Pilipinas.

So ako talaga noon, akala ko talaga last na iyon na hindi na ako makauuwi ng Pilipinas. Ganoon na ‘yung feeling ko,” pagbabahagi pa ni Mark.

Kasunod nito, maraming realizations sa buhay si Mark kabilang na ang desisyong magpakatotoo sa sarili at aminin na sa buong mundo ang kanyang pagiging bisexual.

Right after (umamin sa sexual preference), it was hard. Right after, I was ready na parang, ‘Okay. Whatever happens, I’m okay. It’s out there.

“Iyon naman ang gusto ko na parang wala ng tanong-tanong, wala ng ano-ano, I’ll be happy and free, and I’ll just live my life,” lahad pa niya.

Mula rin noon, nag-promise si Mark sa sarili na hinding-hindi na siya mabubuhay sa pagtatago o pagkukunwari. Mas gusto na raw niyang ibandera sa publiko kung sino talaga siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …