Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaso laban sa news manager na si Cliff Gingco inihahanda na

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI na malaman kung ano naman ang nangyari sa isa pang kaso ng sexual harassment na nangyari naman sa TV5. Nawala na kasi ang complainant matapos na siya ay alisin na sa isang show na kanyang sinalihan, at umano ay binigyan na lang daw ng P5,000 lat sinabihang hindi na muna siya kailangan sa show.

Samantala, naglabas ng utos si Luchie Cruz Valdez, vice president for news ng TV5 na hindi na dapat pang pag-usapan ang kaso. Nasuspinde lamang ang news manager nang banatan ni Senador Raffy Tulfo at sinabing kung hindi iyon sususpindehin ay magpapatawag siya ng isang hearing sa senado at lalo lang mapag-uusapan iyon. Sinasabing ang suspect na news manager ay malapit na tauhan ni Luchie.

Si Tulfo ay nasa One PH na bagama’t sister company ng TV5 ay pinamumunuan naman ni Patrick Paez. Mukhang may basbas daw naman ni Paez ang kilos ni Tulfo dahil naniniwala silang kahit na kasamahan nila ay hindi dapat kunsintihin kung may pagkakamali. Sinabi rin daw ng COO ng Media Quest na si Jane Basas na kailangang mag-usap silang lahat sa kanyang pagbabalik galing sa coverage nila ng Olympics sa Paris.

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon at konsultasyon ang kanilang HR matapos ang banta ni Tulfo na isang hearing sa senado. Gayunman, malamang na matuloy pa rin ang hearing. Ang tsismis pa, ang tatayo raw abogado ng biktima ay si Atty Chel Diokno. May mga informed sources din kaming nagsasabi na mas marami sa mga empleado ngTV5 ang kampi sa biktima kaysa kanilang news manager na hindi nila akalaing gagawa pa ng ganoon.

Sinasabi ng biktima na niyaya raw siya sa inuman ng news manager at sumama naman sa isang bar sa Poblacion sa Makati. Pero nalasing siya umano at dinala siya niyon sa Richmond Hotel sa Pasig na sinasabing naganap ang pang-aabuso habang ang biktima ay lasing at hindi makalaban. Umano tinakot pa ng suspect ang biktima na oras na magsumbong o may makaalam ng nangyari sa kanila ay maaari siyang mawalan ng trabaho.

Nagkaroon lang daw ng lakas ng loob ang biktima nang pumalag din si Sandro Muhlach sa isang hiwalay na kaso sa ibang network naman. Noon lang nakita ng biktima na may laban pala siya.

Inihahanda na rin umano ang isasampang kaso sa korte laban sa news manager na si Cliff Gingco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …