MATABIL
ni John Fontanilla
PABIRONG sinabi ng komedyanteng si Juliana Parizcova na sana ay magkahiwalay ang kontrobersiyal na two time Olympic gold medalist sa floor exercise at vault (gymnastic) na si Carlos Yulo at girlfriend nitong si Chloe San Jose.
Post nito sa kanyang Facebook, “Sana maghiwalay na sila ni Goldie…Tapos ako na lang jowain nya para maranasan nya ang Golden Tooth.”
Banat naman nito kaugnay sa isyu ni Carlos at sa ina na sana ay magkausap na ang mga ito para maayos ang kanilang gusot.
“Ewan ko, pero ako, kahit anong maging kasalanan sakin ng Nanay ko, hinding hindi ko itatakwil, hinding hindi ko pagkakaitan ng tagumpay na nakamit ko, hinding hindi ko ilulubog at ipapahiya sa publiko, at hinding hindi ko paluluhain ng ganito,” wika ni Juliana.
Dagdag pa nito, “Nakakadurog ng puso na may isang ina nasasaktan at umiiyak dahil sa pahayag ng isang anak.”
Samantala, hati ang pulso ng netizens sa usapin sa mag-inang Carlos, may mga umaayon sa mga sinabi ng two time gold Olympic winner, habang ang iba naman ay kampi sa ina nitong si Angelica.