Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Niño Muhlach

Niño napatawad 2 independent contractors—Pero hindi puwedeng hindi nila pagbabayaran ‘yun 

I-FLEX
ni Jun Nardo

DINUMOG  ng media si Niño Muhlach last Wednesday sa wake ni Mother Lily Monteverde sa Valencia.

Eh bago sa Valencia, galing sa Senate hearing si Nino at naging emosyonal na paglalahad ng nangyari sa anak na si Sandro Muhlach na walang masyadong detalye na inilabas.

“‘Pag nakita mo ang anak ko, nanginginig. He’s really devastated,” simula ni Nino.

Nasa NBI si Sandro habang nasa Senate hearing si Nino.

Sobrang traumatized siya! He’s into counselling,” dagdag pa ng aktor.

Nagkaharap na raw sila sa residence ni Ms. Anette Gozon.

Nag-sorry sila sa akin. They were offering to donate certain amount of charitable institution na pipiliin.

“Sabi ko sa kanila, ako tao lang ako, kaya kong magpatawad. Ang Diyos nga, marunong magpatawad.

“Pero hindi puwedeng hindi nila pagbabayaran ‘yun!” saad pa ni Nino.

Nagpapasalamat si Nino sa suporta ng mga tao, fans at mga kaibigang nakikisimpatya sa nangyari sa anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …