PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA burol ni Mother Lily Monteverde ay saglit naming nakahuntahan si Nino Muhlach na kagagaling lang that day sa Senate hearing para sa imbestigasyon ng Senado sa kaso ni Sandro Muhlach.
Emosyonal pa si Onin at naikuwento nga nitong inihinto ang naturang hearing sanhi ng pagtaas ng kanyang presyon habang sinasagot na ang mga tanong regarding the trauma na pinagdaanan ng anak.
Humingi na pala ng dispensa at patawad sina Jojo Nones at Dode Cruz sa kanya na kaharap pa si Atty. Annette Gozon, pero sinabi nga niyang hindi roon nagtatapos ang lahat.
“Kailangang managot sila at magbayad at harapin ang kaso,” sey ni Nino.
Samantala, ngayong Biyernes, August 9 ay nakatakda namang tumungo sa NBI si Atty. Maggie Garduque para kumuha ng kopya ng complaint sa Public Corruption Division pero pinayuhan nga raw nitong hindi kailangang pumunta ng mga kliyente niyang sina Nones at Cruz dahil hindi naman umano mga public official ang mga ito.
Sasagutin daw ng kampo nila ang usapin once na makuha na nila ang kopya ng reklamo.