HINDI namin maiwasang banggitin si Caloy Yulo, ang kauna-unahang atletang nagkapag-uwi ng dalawang gold medals mula sa Olympics. Hindi lamang siya nanalo nakapagtala rin siya sa kasaysayan ng Philippine Sports.
Nakikiisa rin kami sa paniniwala ni direk Joey Reyes na ang panalo at karangalang hatid ni Caloy sa Pilipinas ay hindi na dapat bahiran pa ng kung ano-anong hindi magagandang salita na nagmula mismo sa nanay niya. Na kesyo hindi lubos ang kanyang kaligayahan manalo man ang kanyang anak dahil iyon ay maramot.
Nagsimula kasi iyan sa pagkuwestiyon ni Caloy sa nangyayari sa pera niya na buwis buhay naman niyang pinaghirapan. Hindi nagustuhan iyon ng kanyang ina, kaya nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Ang ama naman ni Caloy nakikiusap sa kanyang magpakumbaba na at kausapin ang kanyang ina, pero siguro hindi pa lumilipas ang sama ng loob ni Caloy kaya hindi pa niya iyon ginagawa.