Sunday , December 22 2024
Mother Lily Monteverde

Mother Lily Monteverde pumanaw na sa edad 84

PUMANAW na ang film producer na si Mother Lily Monteverde, 84, isang araw matapos ilibing ang asawang si Leonardo “Father Remy” Monteverde.

Kinompirma ito ng kanyang anak na si Goldwin Monteverde sa ulat ng GMA gayundin sa inilabas na official statement ng pamilya. Sa August 19 sana ang ika-85 kaarawan ni Mother Lily.

Ayon sa ipinadalang statement kahapon, Agosto 4 binawian ng buhay si Mother Lily, 3:18 a.m..

Si Mother Lily ang may-ari ng Regal Entertainment na nakapag-produce na ng halos 300 pelikula sa Pilipinas simula pa noong dekada 60.

Naulila nina Mother Lily at Father Remy ang kanilang mga anak na sina Roselle, Dondon, Meme at Goldwin.

Taong 2000 binigyan ng Lifetime Achievement Award ng Cinemanila International Film Festival si Mother Lilyat ginawaran noong 2019 ng Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award sa 37th Luna Awards at first recipient ng Mother’s Day Tribute noong 2017 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at tinawag bilang Ina Ng Pelikulang Pilipino, isang special award dahil sa ‘di matatawarang kontribusyon sa film industry.

Iitinanghal ding Producer of the Year sa kauna-unahang The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) para sa hindi matatawarang kontribusyon ng Regal Entertainment sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Noong July 29 naman ay sumakabilang-buhay si Father Remy sa edad na 86 nang dahil sa pneumonia.

Ngayong araw, 3:30 p.m. magsisimula ang lamay at memorial service hanggang August 9 sa 38 Valencia Events Place, Quezon City. Ang interment ay sa August 10 sa The Heritage Park, Taguig.

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naiwan nina Father Remy at Mother Lily.

Narito ang opisyal na pahayag ng pamilya Monteverde:

Our mother, Lily Yu Monteverde, ended her journey at 3:18 AM this morning (August 4, 2024) to join our Creator.

“Throughout her years she has not only been a mother to her children but also the “Mother” to so many generations of Filipino filmmakers who have helped define what Philippine cinema is today.

“Even to her final years, Mother Lily has served as one of the cornerstones of the movie industry, providing opportunities to filmmakers — both creative and technical — to carve their names in our popular history.

“Yet behind this veneer of accomplishment, Mother Lily was not merely a matriarch and the face of Regal Films but a true mother to artists and workers who had the chance to know her beyond the confines of work.

“Mother Lily was surrounded by her children and grandchildren in her final hours. She was blessed with the chance to say goodbye to her closest friends and associates who bid her farewell yesterday before she left for that trip back home to the Divine Father.

“The family is at peace now that their mother has not only found rest but has joined their father Remy in that place called eternity – as they were together in life as they will remain together where there is no space or time.

The Monteverde family are requesting for your prayers and to cherish the memory of Mother Lily not only as a face of cinema but as a loving mother who she truly was … and will always be forever.”

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …