Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atasha Muhlach Vico Sotto

Atasha at Mayor Vico biktima ng fake news

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG kung minsan kasumpa-sumpa na ang ginagawa ng mga blogger para lamang mapataas ang kanilang views at kumita ng pera. Mahirap din ang trabaho ng blogger, hindi tulad namin na lehitimong media na hahanap lang kami ng balita at isusulat namin. Babayaran kami ng aming mga publisher, maliban na lang din doon sa mga malas na nagsusulat sa mga diyaryong balasubas na hindi nagbabayad ng mga writer nila. Kaya nga kami bukod sa Hataw ay isang diyaryo na lang ang aming sinusulatan, ayaw kasi namin sa mga diyaryong balasubas na hindi nagbabayad at walang respeto sa mga propesyonal na manunulat.

Ang sitwasyon ng mga blogger ay mas matindi pa. Hahanap sila ng kuwento o kaya ay mangongopya sa iba, ilalabas iyon sa kanilang blogs at kung walang makatawag ng pansin walang manonood, walang magla-like at walang comments. Natural hindi papasok ang advertising at kung walang ads na pumasok sa iyo, wala ring kikitain ang social media platform sa iyo at hindi ka nila babayaran. Kaya may mga blogger naman na hindi professional, at gusto ay kumita lamang. Gumagawa sila ng kuwento kahit na hindi totoo, pampadagdag lang ng viewers para kahit paano mayroon silang pambili ng panutsa o bukayo man lang.

Ang isang nakatatawa at nakaiinis na balita rin na ikinalat hindi lamang ng isa kundi ng ilang bloggers na nagkopyahan yata ng kanilang content ay iyong tsismis na buntis na raw ang anak na dalaga ni Aga Muhlach na si Atasha kaya nga raw magpapakasal na iyon, at ang nakabuntis umano ay si Mayor Vico Sotto.

Siyempre natawa na lang ang pamilya Muhlach at pamilya Sotto sa mga kuwentong iyon na wala ni bahid ng katotohanan. Eh ang totoo, ni hindi pa magkakilala at hindi pa nagkikita nang personal sina Mayor Vico at Atasha. Kailan lang naman pumasok sa Eat Bulaga si Atasha at ang mga Sotto lamang na nakilala niya ay sina Bossing Vic at Pauleen Luna at ang anak na dalawa na si Tali at Baby Mochi. Nagkita na rin sila at magkakilala ni Tito Sen. Pero bukod sa mga iyon wala na siyang nakikilalang ibang Sotto.

Ang sapantaha nila, may gumagawa ng mga tsismis dahil malapit na ang mid term elections at maaaring iyan ay bahagi ng paninira kay Mayor Vico. Kung hindi naman alam nila na si Atasha ay isang hot property, at ang anumang balita tungkol kay Tash, lalo na’t nakasisindak ay tiyak na marami ang magre-retweet, at marami ring reactions. Kaya sa totoo lang kumita na naman sila. Pero napaka-unafir niyon Tita Maricris hindi ba?

Isipin mong ipamalita mong nabuntis ang isang dalagang kagaya ni Atasha at umano ang nakabuntis sa kanya ay isang taong hindi naman niya kilala. Ano ang pagbubuntis niya palipad hangin?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link