Friday , November 22 2024
Remy Monteverde Mother Lily

Father Remy malaking kawalan sa industriya ng pelikula

HATAWAN
ni Ed de Leon

MALUNGKOT na sinalubong ng industriya ng pelikula ang balita ng kamatayan ni Leonardo Remy Monteverde, ang asawa ng Regal owner na si Mother Lily. Bagama’t si Mother ang madalas na humaharap sa mga artista at media, si Father Remy naman ang humaharap sa mga lider ng industriya. 

Kung hindi kami nagkakamali isa siya sa founding members ng IMPIDAP, ang samahan ng mga independent film producers, na hindi kasapi sa naunang PMPPA. At bilang siyang may pinakamalaking kompanya sa hanay ng mga independent, siya ang kinilalang lider nila. 

Si Father Remy ay isa rin sa mga namuno ng Film Anti Piracy Council ang samahan ng mga taga-industriya na lumalaban sa film piracy.  Bagama’t sila ay isang pribadong grupo at walang police powers nagsasampa naman sila ng demanda laban sa mga nahuhuli nilang mga film pirate. Sila ang naging citizens’ arm ng Optical Media Board.  Maganda sana ang nangyayaring ganyan pero dahil sa kakulangan ng pondo hindi nila magawa ang isang malawakang kilos laban sa mga film pirate.

Madalas si Father Remy din ang nilalapitan ng mga maliliit na producers na nahihirapang makakuha ng playdate ng pelikula nila sa mga sinehan. Kung may duda kasi ang mga sinehan kung kikita ba ang pelikula, iniiwasan na nilang i-book iyon. Una, hindi sila nakasisiguro kung makababayad iyon ng itinakdang minimum guarantee ng isang sinehan kung hindi iyon kumita. Pero dahil ang guarantor nga nila ay ang Regal at si Father Remy nakakukuha sila ng sinehan para sa kanilang pelikula. Si Father sabi nila ay isang negosyante na tumutulong pa sa kanyang mga kakompitensiya kaya naman napakataas ng paggalang nila sa kanya.

Sinasabi nga nila ngayon na ang pagyao ni Father Remy sa edad na 86 ay isang matinding dagok sa industriya ng pelikula, lalo na para sa mga independent producers at distributors ng pelikula.

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …